Miyerkules, Abril 9, 2008

Happy Valentine's Day

Ako si Rico. Gusto kong ikwento sa inyo ang aking pinakamasakit na nangyari saaking buhay. Nag simula iyon nang ako ay mag karuon ng gf. Ang pangalan nya ay Lanie. Kababata ko narin sya. Mag kklase simula grade 1 hanggang 4th year. Lagi kami mag kasama kaya best friend na ang turingan namin. Tumagal ang aming pag kakaibigan. Sa lahat ng problema ay sya ang una kong kinakausap.

Sa umpisa ay best friend ang turingan namin hanggang dumating ang araw na na inlove na kami sa isat isa. Agad ko sya niligawan at agad rin naman nya ako sinagot. Alam ko na may pag tingin rinsya saakin. Mahal na mahal ko na sya.

3 taon na kami ni Lanie,graduet na kami sa collage at may sarili na kaming trabaho. Empleyado sya sa isang simpleng cumpanya dito sa Cavite. Pero ako ay isa lamang dyanitor sa SM. Kahit ganun ay hindi nawala ang pag tingin saakin ni Lanie.

Sa lahat ng relasyon daw ay hindi maiiwasan ang tampuhan ng mag syota. Normal na daw ito lalo na sa mga kabataan ngayon. Syempre dumadaan parin saamin ang ganitong sitwasyon. Hindi naman ganun kalalala. Mga unting tampuhan lang naman. Pero nitong araw……

“Hon,napatawag ka kanina sa cp ko. May problema ba?”tanong ko sa kanya. Nasa isang tahimik na restaurant kami dito sa Dasma.

“Nakalimutan mo na ba?”sagot nya na may pagkagalit.

“Ano?”

“Hay Rico,ano ba? Monhtsary natin ngayon! Nakalimutan mo? Kaya tumawag ako sa cp mo para iselebrate natin ang araw na ito.”

“Sorry Hon,nawala sa isip ko ngayong araw. Matagal ko narin itong balak pero nag kataon na marami ako ngayong schedule.”

“Pero ako,umabsent ako para sa iyo kahit alam ko na may meeting kami na gaganapin sa tagaytay.”tampo ni lanie.

“Sorry na. don’t worry na next monthsary natin ay masusulo mo na ako. Bibilhan pa kita ng napakagandang bouquet.”sabi ko pero hindi tumingin saakin si Lanie. Nakadungaw lang ito sa glass wall na katabing katabi lang ng table namin. Alam ko na labis ito dinamdam ng aking mahal. “Hon,sorry na pls,nandito ako ngayon,dapat masaya tayo di ba. Masaya rin ako dahil nakasama ka dahil bc ako sa trabaho.”hindi parin kumibo si lanie. Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad. Hinipo ko ang bawat ng kanyang daliri. “Gusto mo pasyal tayo kung saan gusto mo?”dahan dahan tumingin saakin si Lanie.

Napangiti na sya saakin bago nakasagot. “Sige na nga. Ikaw kasi masyado nang matanda para maging makakalimutin,”asar niya saakin na may lambing.
Pinasya naming pumunta kami sa baywalk. Marami rin na magkasintahan na namamasyal ng hapong iyon. Nilibre ko sya ng mga gusto nyang makain. Masaya kami ng araw na iyon. Naupo kami sa isang upuan doun. Pinag mamasdan namin ang unti-unting pag lubog ng araw. Mag kahawak ang aming kamay na waring ayaw magkahiwalay. Nakasandal sya saaking dibdib at dahan dahan kong hinihimas ang kanyang makinis na braso.

“Sana lagi tayong ganito.”bulong nya saakin na may malambing na buses.
“Sana nga. Sana hindi tayo magkakahiwalay. Napaka ligaya ko dahil suwerte ako sa kagaya ni Lanie.

Unti-unting dumidilim ang paligid. Unti-unti naring nag bubukas ng ilaw ng kalye sa kamaynilaan. Hanggang sa nakita ko na lumubog na ang araw. Dito ko naalala na lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Pero sana wag sa pag iibigan.

Tumagal pa kami ni Lanie. Habang tumatagal ay lalo ko syang minamahal.Alam ko na ganun rin sya saakin. Habang lumilipas ang panahon ay lalong tumatatag ang aming samahan.

Ngunit dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Nag papaalam na saakin si Lanie,lilipat na daaw sila sa Maynila. Bubos akong nalungkot dahil hindi ko na sya makakasama. Bago sya umalis ay nag iwan sya ng adress saakin. Pwede ko daw sya puntahan kahit kaylan ko nais.

Pag katapus ang araw pagkatapus nya umalis ay walang araw na hindi ko sya naiisip. Na miss ko lahat tungkol sa kanya,ang kanyang magandang mukha,maamong salita,lahat ay aking naalala. Lagi ko rin sya ka txt. Kahit papaano ay may cummunication pa kami. Minsanan rin ako tumatawag at kinkamusta sya. Lagi ko sinasabi sa kanya na laging magdasal sa panginuon dahil sya ang gagabay sa iyo.

Buong araw kami txt ng txt. Hanggang sa hindi na sya nag rreply sa mga txt ko. Ang mga tawag ko ay hindi nya sinasagot. Palaging patay ang cp nya. Ano kaya ang nangyari dun? Siguro ay wala na syang pang load o bc narin sya sa bago nyang pinapasukang trabaho.

Siguro nga.

Tatlong bwan na akong walang kumunication kay Lanie. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Minsan,binuksan ko ang aking wallet. Walang kapera-pera. Lagas ngayon ang pitaka ko. May mga nakasiksik pating mga balat ng candy at mga ticket sa sinasakyan kong bus. Hanggang sa may napansin ako sa loob ng aking wallet. Isang maliit na papel?
Ito pala ay aktual na sulat kamay ni Lanie. Ito yung binigay na address saakin bago sya umalis. Sakto na tumingin ako sa aaming kalendaryo. Feb 9 na pala. Ilang araw nalang at valentines nanaman. May natitira pa akong araw pala macadam ipun ng pera. Alam ko na para kay Lanie ay napakahalaga ng ganitong occasio. Bukod sa valentines ay monthsary pa namin. Hindi ko sya bibiguin sa pag kakataong ito.

Matagal kong pinag ipunan ang pambili ng bulaklak. Mahilig si Lanie sa mga bulaklak. Saktong valentines day ay agad ako nag tungo sa bilihan ng bulaklak kahit madaling araw pa. Sariwa pa ang bulaklak ng ganung oras at dahil umaga ay hindi agad ako mauubusan. Binili ko ang pinaka magandang bouquet duon. Pinngako ko rin sa kanya na bibigyan ko siya ng bulaklak sa mismong araw ng valentines….


Umaga pa at sumakay ako agad ng bus papuntang Maynila. Medyo may kalayuan ang byahe Cavite to Manila. Nakatabi ko ang isang dalaga sa bus. Halata ko na panay tingin nya sa bitbit kong bouquet. Hindi sya nakatiis sya ay nag tanong. “Sir,ang ganda naman po ng bouquet nyo.”

“Salamat,”sabi ko.

“Napaka suwerte naman po ng babaeng pag bibigyan nyo ng ganyang kagandang bulaklak. Para po ba sa Gf nyo yan ngayong valentines?”

“Oo,para sa gf ko. Ikaw. Bat nag iisa ka ngayon? Hindi mo kasama ang bf mo? may nobyo ka na b?”

Bigla na syang nalungkot sa tinanung ko sa kanya. Nakita ko sa kanya ang pag kalungkot nya. “Bakit,may nasabi ba akong hindi maganda?”

“Wala naman,totoo nyan,wala na ang bf ko. Kahit kaylan ay hindi ko na sya makaksama,”wika nya na muntik maluha.

Nalungkot rin ako sa sinabi nya saakin. Masuwerte parin ako dahil may tao na nag mamahal saakin at makakasama ko sa boung buhay ko. Dumungaw ako sa bintana. Nakikita ko na ang mga nagtataasang mga gusali. Nasa maynila na ako. gusto ko makita ang kanyang reaktion sa bigay kong bulaklak. Bumaba na ako sa bus. Hahanapin ko na ang saktong tinitirahan ni Lanie.

Sikat na ang araw nun. Makikita mo sa paligid ang magkakasamang magkasintahan. Mag ddate nga sila. Ramdam mo rito ang simoy ng valentines. May naramdaman akong inggit sa kanila dahil sa katagal tagal ng panahon ay ngayon ko lang makakasama ang gf ko.

Nahirapan ako sa paghahanap ng saktong address nila.

Blk 4 lot 14 kamuning st. Sampalok Manila. Ito ang buong address

Dahil hindi ko nga kabisado ang lugar,nagtanong tanong ako sa mga resedente rito. Lakad rito,lakad roun,bit-bit ko parin ang malaking bouquet. Hindi ko hinahayang masira at mawalan ng amoy ito. kahit isang petal ay ayaw ko malagas.

Sa ilang oras na pag hahanap ay nakita ko na ang satong bahay. Simple ngunit malaki ang bahay nila Lanie. Ang wirdo nga lang dahil parang walang nakatira dito. Ang tahimik. Lahat ng bintana pati ang pintuan ang nakasara. Ito na ba ang bahay?
Kumatok ako sa gate. Naka ilang tao po ako pero walang sumasagot..wala nga atang tao. Nasayang lang ang punta ko rito. Pero biglang bumukas ang pinto. Ang ina pala ni Lanie. Lumapit sya saakin sa labas ng gate.

“Bakit iho?ano ang sadya mo?”tanong nito na may hiwagang lungkot sa kanyang mukha. Sinuklian ko namn ito ng ngiti bilang pag bati at pag galang narin.

“Magandang hapon sa inyo. Ako pala si Rico,ang matagal na nubyo si Lanie.”

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Huminga sya ng malalim. At bahagyang ngumiti. “Ah iho ikaw pala ang laging kinukwento ng aking anak. Pasok ka. tuloy.”

Pinapasok nya ako sa kanilang bakuran. Maraming halaman at bulaklak na nakapaso sa bawat sulok ng bahay. Maganda at malinis tignan ang napaligid. “Nasaan nga ho pala si Lanie?”

Tahimik ang sinagot saakin ng ina ni Lanie. Naupo kami sa mesa sa labas ng bakuran. Bigla-bigla nag iba ang emosyonal ng matanda. Ito ay aking pinagtaka. Kasunod nun ang tahimik na pag iyak. “Hindi mo pa ba alam?”wika nya.

“Ano po?hindi ko kayo maintindihan?”

Tumingin saakin ang matanda. “Iho,wag ka sana ikabibigla,pero wala na ang aking anak. 2 linggo na nang naaksidente sya sa sinasakyang jeep.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sumabog ang puso ko sa pagkabigla. Pakiramdam ko ay malaking parte ng aking buhay ang nawala. Subrang saket. Nagunaw na ang aking mundo pati narin lahat ng pangarap namin ni Lanie. Wala na akong nagawa kung hindi ay umiyak. Ito ay aking ikinabigla

Nagtungo ako sa sementeryo. Duon ko binigay sa kanya ang napaka gandang bouquet. Hindi aakalain na ibibigay ko pala ang bulaklak na iyon sa huling hantungan nya…..hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko malilimutan lahat ng pagsasama namin. Totoo nga na laht ng bagay sa mundo ay may hangganan. Kahit gaano kaganda ang nobela ay mag wawakas rin ito sa magandang wakas. Tulad rin ng araw na lumulobog sa karagatan

Ako ay panaluha ay napangiti at nagwikang. “Happy Monthsary ang happy valentines.”

1 komento:

Rio ayon kay ...

kakalungkot naman....

d bale, makakita ka din ng babaeng mamahalin muli.=)