Miyerkules, Abril 9, 2008

urban legend

Mag isa akong nag-over time sa tinatrabahohan ko rito sa Dasma. Isa akong dyanitor dito sa isang kilalang hospital sa lungsod. May kaliitan man ang sweldo,pinag kakasya narin namin ito ng aming simpleng pamilya.

Ngayon gabi ay dalawa ang aking lilinisin. Hindi nakapasok ang kasamahan ko dahil kakapanganak ng asawa. Ako lang ang inatasan para mag linis ng 3rd at 4th floor. Mahirap man pero kaylangan. Magiging doble rin ang sweldo.

Nilinis ko ang buong pasilyo ng 3rd floor. Kasunod ang susunod na pasilyo. Matatapus na ako sa pag lilinis. Tahimik ng buong paligid,madalang dumaan ang mga nurse na sa tuwing nasasalubong ako ay binabati ko narin. Ilan sa mga empleyado rito ay kilala ko na.

Nakakapag taka. Wala akong nakitang nures man lang. Tila ako lang ata ang tao sa gusaling iyon. Mahiwaga ang katahimikan. Iba na ang kutob ko. Agad ko inayus ang aking gamit. Uuwi na ako. Sinigurado ko muna na malinis ang buong sahig bago ako lumisan. 11:30 na ng gabi. Kahit nakakatakot umuwi ng ganitong alaaing oras ay buo kung tapang na umuwi. Alam ko na umaaligid-aligid na ang mga pwedeng mangholdap sa daan. Lalot kapag ikaw mag-isa sa kalsada.

Kamalasan nga naman. Wala na atang dumaraang jeep sa lugar namin. Bihira narin ang mga sasakyan. Kinabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Mag isa akong nag abang sa isang tabi. Umaasa na may masasakyang jeep kahit papaano.

Hindi ng ako nag kakamali. May natanaw akong liwanag sa kalayuan. Ilaw ng sasakyan. Sa wakas jeep nga,may masasakyan narin ako. Lumuwag narin ang aking paghinga.

Walang pasaahero na nakasakay sa jeep. Ako lang,wala ng iba. Ang driver ay diretso ang tingin habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi muna ako nag-bayad. Nawiwirdohan kasi ako sa kanya…..

Wala naman atang masama sa driver. Hindi naman sya mukhang masamang tao.

Nagbayad na ako. “Ma,bayad ho!”

“Ilan?”tanong niya.

“Isa lang.”sagot ko. Napatingin saakin ang driver mula sa salamin. Tinititigan lang niya ako. tila nahiwagaan sa sinagot ko kanina. Sa kanya rin ako nahiwagahan. “Bakit ho?”

“Isa nga lang ba?”ulit nya.

“Oo isa lang. bakit kulang ba?”

“Hindi.? Bakit hindi mo ba kasama ang babaeng katabi mo na kanina ka pa pinagmamasda?”

-Base on the classic true urban legend

1 komento:

me ayon kay ...

aawwwooooo....

makapanindig palahibo naman 'tong wento na to.... nginig na nginig ah...

hindi kaya holdaper 'yong babae na 'yon, check mo ba wallet mo kung andun pa?? he he he..