Sabado, Abril 19, 2008

Buhay magic ko

Bata pa ako marami na akong nakikitang magic show sa tuwing umaatend ng b-day. Sa tuwing nakakakita ako ng clown ay unang pumapasok sa isip ko ay “magic”. Masaya ako sa tuwing bumibilid ako sa mga perform na nagbibigay saaken ng palaisipan kung paano nila nagagawa ang ganung impusibleng bagay. “Paano kaya nila ngagawa yun? Paano nagkaruon ng kalapati dun? Bakit nawala?”yan ang mga tanong na nagpaikot saken sa mundo ng magic.

Walang duda na pinasok ko ang larangang ito

Dahil sa mga napapanuod kong magic show,8 year’s ako ay sinubukan kong magmagic sa harap ng mga kalaro ko. Nanuod naman sila saken. Dahil bata pa ako nun at 1st time mag magic ay wlang akong idea kung ano ang magiging reaction nila. kumuha ako ng isang volunter sa mga kalaro ko na una ko ring naring live audiece. Pinatayo ko siya sa harapan at piniringan ng panyo sa mata. kumuha ako ng matigas na lubid at tinali sa buong katawan ng kalaro ko. Hinatak ko ang lubid at tumagos sa boung katawan nya. WOW Napaka imposible pero nagawa ko. nakita ko sa kanila ang pagkamangha. Dahil “magic” ay bumilib sila. Siguro yun ang 1st trick na nagawa ko.

Grade1-3 ako ay ang paburito kong tambayan nun sa school ay library. Marami akong nababasang story book at trivia book. Maraming libro duon. Pero may nakita ako na isang libro na mag bibigay saken ng interest sa magic. “How to do a easy magic trick for kids” dahil gusto kung matuto ay binasa ko ang libro na iyon. Hindi pa ako gaanong magbasa ng english nun. Buti nilang may mga picture na instraction na masusundan ko. marami akong natutunan na simpleng trick. Tuwing uwian ay agad ako pumupunta sa library para mabasa ko ang librong iyon. Ewan ko sa kadami-dami ng book dun ay kung bakit yun ang number 1 na kinahiligan ko. araw-araw ko yun binubuklat. Ginagawa ko rin kung ano ang sinasabi. Natutuwa naman ako sa tuwing nagagawa ko ang isang trick na natutunan ko. sa subrang pagkahilig sa libro na iyon ay tinago ko yun na ako lang ang makakahanap at ako lang ang makakabasa. Minsan nga ay kinupit ko na yun sa librarian. Inuwi ko sa bahay.

Pasalamat ako sa libro na iyon. Number trick, rope trick, paper trick,rubber trick ang mga una kung magic.

Grade 6 ako ay nasa ibang skul na ako. lumipat ako sa PCU. ang magic saaken nun ay medyo nalimot ko na siguro sa tagal na hindi ko na pinapakita. Isang araw isa sa mga klasemate ko ay nagdala ng deck of cards. Pinakitaan kami ng cardtrick(Siguro uso pa nuon ang show ni Berwin na NAKS). Wow ang galing. Paano nakuha ang card ko?. ang klasmate ko na iyon ay nakatabi ko sa upoan. Pinakitaan nya nanaman ako ng mental trick naman. “Puta,paano mo nalaman ang iniisip ko?” pagkapus ng trick ay nirevield nya saaken kung paano nya yun nagagawa. Sumunod na araw pinakitaan nya nanaman kami ng magic. Parang hindi sya nauubusan ng trick. Nagdala sya ng gimmick card. Wow ang galing dumadami ng baraha. Tinanong ko sya kung paano nya yun nagagawa. Sabi nya bilhin ko nalang ang gimmick card na iyon. 100 pesos pero efective. Maganda.

Elementary pa ako. May mga grupo ng highskul na wala atang magawa at nangtrip nalaamng ng mga bata na tulad ko. cardtrick din pero subra akong namangha. Paano napunta ang card ko sa bulsa nya?

Duon ko kinahiligan ang street mgic. Masarap kasi pag nakikita mo na masaya sila sa magic mo. marami na akong nabasang libro ng magic. Natututo narin ako ng ilussion. Marami na. Lagi kong pinapakita ang magic ko sa family ko. fav kong pakitaan ang lolo ko. natutuwa nga ako dahil paniwalang paniwala talaga sya sa magic minsan natawa ako dahil malasademonyo na daw ako. nagbabsa raw ako ng latin. Hahahahahahahahaha

Sa mga pinsan ko rin ako ay nagpperform. pumunta kami sa lamay ng kamag anak namin. Lahat-lahat ng pinsan ko ay ay nandun. Subra akong na excited. Dahil lamay ay hindi paiwasan ang ma bord. Bord na bord na kami. Sa lamay ay hindi mawawala ang baraha. Kumuha ako ng isang deck at nag perform sa kanila. nasa harapan ako,likod ko lang ang kabaong.

Pero 1st year-2nd year ay lumamig na ako sa magic. Tinamad na ako. hindi na ako nagpapakita ng magic. Na cornyhan na ako. hindi naman totoo ang magic. Magic ay kadikit na kadikit lang ng kadayaan. Never na ako nag magic. Sa lahat ng magic na pinag aralan ko ay parang nag aaral ka na rin kung paano mangloko ng tao.

3rd year ay lumipat ako sa sa isang maliit na skul. Karamihan ruon ay mga bata. Kunti lang ang ang highsskul. 20 lang kaming lahat ng 3rd year. Isang araw nag yabangang isa kong klasmate. Sya daw ang pinakamagaling na magician sa buong mundo. Nagpakita sya ng magic na para saaken ay alam ko na kung pano gawin yun. Pwes papakitaan rin kita ng kaunting magic. Sa kalagitnaan ng performance ko ay nanunuod na pala ang teacher ko. nakita nya ang magic ko. nagustohan ng teacher ko. sabi nya “Aba Angel,may potensial ka pala sa magic. Yayaman ka dyan.”

Dahil sa sinabi ng teacher ko ay nainspire nanaman ako mag nmagic. Nabuhay nanaman ang natatago kong talent. Pinakitaan ko lahat ng mga klasmate ko. nagdala ako ng baraha sa skul namin,dahil skul yun ay bawal na bawal dun ang playing card’s. pero adic ako sa magic. Walang makakapigil saaken. Hindi lang ang mga klasmate ko ang pinakitaan ko pati narin ang mga bata sa skul namin. Palagi akong nag mamagic sa banyo. Tago ako kung mag magic. Baka kasi makuha ng teacher ang baraha ko. super higpit sa skul na iun.

Isang araw nahuli ako ng isa sa mga teacher na nagdala ng ako ng baraha. Hindi nya kinuha yun. Gusto raw nya pakitaan ko daw sya ng simpleng trick. Dahil dun ay naging usap-usapan na ako sa skul namin. Sumikat na ako sa pag mamagic. Tawag nga saken ng mga klasmate ko ay David Blaine at Criss Angel.

Nag aral pa ako ng magic. Buong oras ko sa pag aaral sy sa iba ko na ibinaling—sa magic. Gusto ko matoto ng iba pang trick hindi ako kuntento kung yun lang ang natutunan ko. araw-araw ako nagbubukas ng internet para mag aral ng trick especialy sa card trick. Fav ko sa magic tricks ay card. Siguro hindi madaling hulihin. Hehehe

May isang teacher na hindi boto sa magic ko. ginagaya raw ako ng mga elem na nagdadala na rin ng baraha. kinuha nag cards pero nag dala ulit ako kinbukasan. hindi ko na mabilang kung ilang deck of cards na ang nakuha ng teacher na yun.



Dun nga. Marami na akong nalalaman sa trick. Mas practisado na ako. klasmate,skulmate,teacher,kakilala,kaibigan,kapitbahay,guard,pinsan,o kahit sa mga nasasalubong ko lang sa kalye ay nag ccard trick ako. Msasabi ko na parang bisyo pala ang magic. Walang araw na wala akong pinapakitaang magic. Dahil dun ay tinawag na akong “David blaine ng Green woods”

17 year’s old na ako at patuloy na patuloy na nagmamagic. Alam ko na gift ito ni god saken. Hangad ko ang magpasaya ng ibang tao. Ipapakita ko ang talent ko sa ibang tao. Iimprove at iimprove ko ang talent ko. Heto ako nangangarap na maging totoo ang magic sa mga tao.

Ang magic ay masasabi ko isang tools na nagbibigay kasiyahan sa mga taong naghahangad ng kaligayahan………..




1 komento:

me ayon kay ...

magandang gabi bosing! mahilig rin ako sa mga magic magic na yan, 'yon nga lang mas enjoy ako sa panonood lang kesa malaman ko ang trick.. kasi kung alam ko na ang trick boring na...

sabi nga diba, lahat tayo ay binigyan ni god ng gift, and it's up to us kung paano natin gagamitin... i guess you're doing it well.. keep it up!!

salamat sa pagdaan sa munti kong pahina...

ngalapa, sabi ni ate lala, totoo 'yong picture na 'yon, and pina-check ko na rin sa mga kaibigan kong photo-shop buff, got the same opinion.. mukhang totoo raw...

salamat ulit. cross link kita ha...