Lunes, Marso 31, 2008

Mary Chua

Mary Chua
(horror)

Chapter1

Sa Manila University,1984……………………..
May hinding inaasahang bagyong dumating. Napakalakas ng buhos ng ulan. Biglang lumiliwanag ang paligid dahil sa mabilis na kurap ng kidlat kasabay nun ang malakas na kulog. Malakas ang bagyo…….
Dahil dito,nasuspende lahat ng antas sa nasabing unibersidad. Lahat na ng highskul ay nakauwi na. maliban lang sa 3 studyante na hindi pa nakakauwi. Dumidilim na ang paligid dahil mag-gagabi na. malakas parin ang buhos ng ulan. Parang walang katapusan…..
Nandun sa klasrom parin ang 3 studyante…..hinihintay tumila ang ulan.
“Nakakainis. Kanina pa itong ulan…nalimutan ko kasi ang payong ko,hindi tuloy tayo maka-uwi,” wika ni Amy na hindi mapakali sa kinalalagyan. Panay ang silip nya sa bintana
“Amy,mahinahon ka lang at titila lang yan sandali,” wika ng isang dalaga na may suot na salamin. Nagbabasa sya ng libro upang malibang. Sya si Mina.
“Kinakabahan na kasi ako.Gabi na oh …….. Iba na kasi kutob ko,” palakad-lakad si Amy,halatang kinakabahan. “Nga pala si Ricardo,nakauwi na?”
“Oo. Kasama ni Carla kanina,” wika ni Mina.
“Nakuuuuh iba na kasi kutob ko. Paniguradong hinahanap na ako ni papa.”
Palakadlakad parin si Amy. Lakad dito,lakad duon,sisilip sa bintana at maglalakad ulit. Hindi sya tulad ni Mina na tahimik lang na nagbabasa.
Maya-maya pay,biglang kumurap ang ilaw. Nabigla ang dalawa at nagkatinginan. Dito na sila dinalaw ng takot at kaba….
“M-Mina,nasaan na pala si Mary?,”
“Diba sabi nya,mag-ccr lang sya.”
“Ang tagal naman,” nag-aalala na ang dalawa.
Malakas parin ang bagyo. Gabi na. Napakadilim ng kahabaan ng coridor….binuksan nila ang switch ng ilaw sa coridor para makita ang dinadaan at upang mawala ang takot. Tumatama ang lamig ng hangin sa kanilang makha. Magkahawak kamay sila mag-lakad. Dahan dahan sila kung maglakad…..nagtataka sila kung bakit nawala nalang ang kanilang kaibigan… nasaan na kaya si Mary?
Habang sila ay umaakyat ng hagdan papuntang 3rd flour………..
“Mina,ano yun oh—,”
“BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!!!!!!!!!,” isang malakas na kulog na yamanig sa katahimikan. Kasabay nun ang kadiliman. Nag brown-out.
“EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH,” takot na napasigaw ang 2. nagtatakbo sila hanggang narating ang girl’s cr. Napahinto sila na hingal na hingal…
Dahan-dahan nilang binuksan ang pinto. Walng katao-tao sa loob. Napakadilim. Bukas ang gripo……
“Mary,Mary,Mary Chua? Nandyan ka ba? Ang tagal mo naman. May peryud ka ba?” nagawa pang magbiro ni Amy kahit halatng natatakot na….
“Wala dito si Mary,malamang naka-uwi na yun. Alam mo naman ang babaeng yun ang hilig mang iwan,” wika ni Mina habang pinapatay ang gripo.
Aalis na sana ang dalawa ng may nakita silang kakaiba
“Tignan mo may sariwang dugo dito!”
“Ano ka ba,sympre,natural lang yan sa girls cr. Malamang,kagagawan yan ng isang burarang babae.”
“Papunta ang bakas ng dugo sa cubicle na yun.”
Sinundan nila ang bakas ng dugo……dahan-dahan nilang binuksan ang cubicle na yun.
“BOOOOOOOOOOM!,” isa nanamang malakas na kulog. Dahil sa kurap ng kidlat,lumiwanag ang paligid. Dito nila nakita si Mary Chua na duguang nakabigti!!..
“EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH MARY JUS KOH EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!”
Kumalat sa buong Manila University ang balita. Ito na ang pinakamalaking pasabog na balita na gumimbal sa buong paaralan. Ang pagkamatay ni Mary Chua ay isang malaking misteryo……

Chapter2:

Manila University,2004(20 taon na ang lumipas)……….
“Hahahahahahahaha. Hindi nga? May nagpakamatay dito?” patawang wika ni Rj. Isa sya sa mga transfery sa unibersidad na yun. Kaya una nyang marinig ang kwento tungkol kay Mary Chua ay natawa lng sya. Hindi sya naniniwala.
“Totoo yun Rj. Naikwento narin yun ng tatay ko saken. Dito kasi sya nag-aral dito dati. Sikat na sikat nga ang kwentong yan eh”wika ni Bert na pilit pinapaniwala ang kaibigan.
“Kwento-kwento rin yan ng skwelahan para mapag-usapan at sumikat. Hindi yan totoo. Kahit sa mga dati kung napakukang skul,may kanya-kanya rin kwentong barbero halimbawa: ang pinapasukanmong skwelahan ay dati palang sementaryo,may nagmumulto sa coridor pag tahimik ang paligid,may pugot na ulong pari na pagala-gala sa campus,at meron pangang kapre na naninilip sa girls cr,at marami pang iba. Hahahahhahahahaha. Lahat yan ay walang katutuhanan. Kung totoo man ang multo,edi sana,matagal na akong nakakita nun,” paliwanag ni Rj.
“Bahala ka Rj. Basta saamin lang ay nagsasabi kami ng katutuhanan,” wika ni Jake ang studyante na may makapal na salamin.
“Pwe!” pagkadura ay sabay kinuha nya ang bag. “Alam nyo,hindi nyo ako mapapaniwala sa mga ganyan…..sige uwi na ako,may pupuntahan pa akong gimik eh,” ang huling sinabi ni Rj bago sya umalis.
“Ang yabang talaga ng bago nating klasmate,”bulong ni Jake nang malayo na si Rj.
“Hehehehehehehe. May naisip ako!”plano ni Bert……………

Kinabukasan,uwian nanaman. Mag-isa lamang si Rj sa IV-Rizal,yun ang section nila.
“Asar. Nang-iwan pa ang dalawa,”inaayus nya ang kanyang gamit sa bag para sa kanyang pag-uwi. Nilakad niya ang kahabaan ng 3rd floor. Biglang sumagi sa isipan nya ang mga kwento nila Jake na may madalas magparamdam sa ikatlong palapag. Napakatahimik ng paligid,nagkukulay pula na ang araw ng hapong iyon,dumidilim na. Sa kanyang pag-lalakad,biglang may naring syang buses ng babae.
“Tulungan mo ako,tulungan mo ako,” paulit-ulit na sinasabi ng misteryusong tinig. Hindi nya alam kung saan nagmumula at kanino ang buses na iyon na ome-echo pa.
“Mis? Kaylangan nyo ng tulong? May pera ako dito,”palinga-linga at hinhanap ni Rj kung saan nagmumula ang buses…….
“Mis? Mis,nasaan ka?,”hindi na nya narinig pa ang malamig na buses. Dun na angtaka si Rj. Sa itaas na palapag sa hagdan,may nakita syang may sumulpot na puting tela. “Baka sya na yung babae kanina.”
Umakyat rin sya sa hagdan…….at biglang may gumulat sa kanya.
“BHOOOOOOOOOOO!!!” sila Jake at Bert lang pala ang nakatalukbong ng puting kumot. Sa subrang pagkagulat,nahulog at nagpagulong gulong sila sa hagdan….
“Hahahahahahahaha,natakot ka noh.hahahahahahaha,aray!”wika ni Jake habang tumatawa pero tila nasaktan dahil sa pagkakalulog nila.
“Tangina nyo. Kayo lang pala.”
“Hahahahaha,nagulat!”wika rin ni Bert.
“Gago,hindi ako nagulat….pero ayus ha. Galing nyo pala magbuses babae.”
“Hahaha—teka Bert,nagbuses babae ka ba?”tanong ni Jake.
“Hindi noh. Kasama mo kaya ako. Saka tignan mo,piyuk ako magsalita.”
Nagtaka si Rj. “Eh sino yung narinig ko kanina?”
“Malay ko!” sabay na sagot ni Bert at Jake.
Biglang narinig ng 3 ang naring na buses ni Rj kanina. “Tulungan mo ako.” Nagkatinginan silang lahat………..
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHH MULTOOOOOOOOOOOOOO!”
Sa takot,kasing bilis nila ang kidlat sa pagtakbo. Unahan sila. Takbo sila ng takbo habang sila ay nagsisigawan sa coridror. Takbo,takbo,takbo. Walang tigil sa pagtakbo. Nasalubong nila si Mrs.Silva,ang pinakamasungit,mataray,at matandang kulogo sa Unibersidad. Nadapa silang 3 sa harapan ng guro. Dahan-dahan silang tumingin kay Mrs.Silva mula paa hanggang nakilala na nila ang nasa harapan nila. Ang teacher pala na kinatatakutan ng lahat.
“AHHHHHHHH IMPAKTO! IMPAKTO!”

“Rj,Bert,at Jake. Hindi nyo ba alam na bawal ang maingay sa coridor?”wika ni Mr.Sacdalan sa 3 studyante. Nasa prinsipal office na sila.
“Naku Sir,buti nalang nahuli ko ang mga ito. nagsisigawan at nagtatakbo pa sa coridor,”galit na galit na si Mrs.Silva.
“Sir,Sir. Minulto po kasi kami sa 3rd floor!”paliwanag ni Rj.
“Oo sir,este opo sir. Totoo po yun,”sumbat agad ni Bert. Si Jake naman ay tahimik lang na nakayuko.
Dahil sa sinani ng studyante,nagkaruon ng katahimikan sa 5 nasa office.
Biglang…….
“BLAG!!!!!!!!!!”isang malakas na kalabug ng pinto.
“Susmaryusep,papatayin mo ako sa gulat Carl. Sa susunod matututo kang kumatok sa pinto,”gulat ni Sir.Sacdalan
“S-sorry po Sir. Mmmmh tawag po kasi kayo si Mam.Reyes. may ipapapirma lang po sa faculty,”
“Sige,sige susunod na ako….kayong 3 ayaw ko na maulit ang kalukohang ito. sa susunod na ulitin nyo pa ito,suspended na kayo.”
“Opo Sir,” Masayang wika ng 3 dahil makakauwi na sila. Nangako na hindi na nila yun uulitin. Lalabas na sana sila sa office ng……
“Teka,dahil sinigawan nyo akong impakto,minos 10 kayo sa test bukas,” wika ni Mrs.Silva na ikinalungkot nila Rj.

Chapter3:

Hindi makatulog si Rj ng gabing yun. Naiisip nya parin ang buses na naring nya nakanina. “Kanino kaya ang buses na iyon. Napaka-ganda. Ang lamig sa tenga. Sino kaya sya? Bat kaylangan nya ng tulong? Totoo kaya na multo ang narinig namin.”
Dahil dun,nawalan na ng gana matulog ang binata. Ginugulo sya ng kanyang diwa. Tumingin sya sa kanyang orasan,12:00 na pero gising na gising pa sya. Isip lang sya ng isip hanggang umabot na ng ala-una. Gising parin si Rj.
Alas dus,gising parin.
Alas tres,gising parin.
Alas kwatro,medyo naantok na.
Alas singko,tulog na sya.
“KRRRRRRRRRRING! KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRING! KRRRRRING!”tunog ng alarm clock.
“Tangina,napuyat ako.”
Antok na antok si Rj pagdating sa klase. Bagsak na bagsak ang kanyang mga pata. Ngayon lang sya,tinamaan ng antok.
“Pre,ok ka lang?”tanong ni Bert na katabi lang pala nya.
“Naantok ako,tulog muna ako.”
Nakita ni Mrs.Silva ang mahimbing na natutulog si Rj. Napansin ito ni Bert.
“Rj,Rj…Gising. Nakikita ka ni Mam. Magagalit yun. Naku,”inaalog ni Bert si Rj para magising.
“Rj!”nasa harapan na pala nya ang guro. “Hindi mo ba alam na bawal matulog sa klase ko? Sige lumabas ka. Tumayo ka sa coridor para mawala ang antok mo,”sabi ni Mrs.Silva..
Sa labas ng klasrom sya tumayo. Antok na antok parin. Hindi na nya kaya,bibigay na sya…….narinig nya ulit ang isang pamilyar na buses.
“Tulunagan mo ako…………….tulungan mo ako.”
Ayun ang buses na narinig nya kahapon. Pinakinggan nyang mabuti ang tinig. May halo ng iyak sa pagkakatong iyon. Iyak na parng nagmamakaawa. Nakita nya na may umaakyat sa hagdan. Mabagal at dahan-dahan. Duon nya nakita ang isang babeng duguan at may lubid pa sa leeg. Pansin nya na ang kanyang mga paa ay hindi nakatapak sa lupa. Nakatingin lang ito sa kanya. Subrang nangilabot si Rj lalo ng makita nya na dugo pala ang luhang lumalabas sa mata ng babae.
“Tulunagn mo ako,tungan mo ako,”paulit-ulit nitong sinasabi. Palapit ng palapit sya kay Rj.
Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita. Totoo ba ito. hindi nya alam kung panaginip o nasa realidad sya. Lumalabo na ang kanyang paningin dahil sa antok. Sisigaw ba sya,tatakbo o matutulala na lamang.
Palapit ng palapit ang babaeng duguan hangagng sa malapit ng magkadikit ang kanilang mukha.
Sa hindi maipaliwang na takot ni Rj,sinuntok nya ito sa mukha.
“PAK!”
“ARAY!!!!!!”
Dun na nagising si Rj. Si Bert pala ang kanyang nasuntok.
“Bert!!?”pagtataka nya. Nakatulog na pala sya sa coridor. Tinitignan sya ng iba pang studyante. Parang kung ano na ang nangyari sa kanya.
“Kanina ka pa nagsisigaw dito. Akala namin kung napaano kana. Nabangungut kana,”paliwanag ni Jake. Na halatang nag-aalala
“Ganun?”hindi parin makapaniwala si Rj sa narinig. At ang laking misteryo sa kanya kung ano ba talaga ang napaginipan nya…

Nagkaruon ng class picture sa buong IV-Rizal.
“Oh Rj,matangkad ka. duon ka sa likod,”wika ni Mrs.Silva.
Nang madevelop na ang flim,laking gulat nila nang makita ang klaspicture. May isang ba
bae na duguan at nakabigti ang napasama sa litrato. Hindi nila alam kung bakit yun napasama. “Ano ‘to,multo?”
Kumalat sa buong Manila University ang litrato ng IV-Rizal. Lahat sila ay nangilabot sa nakita. Hindi nila alam kung paano nangyari yun pero may mga pangayayari talaga na napapasama sa larawan ang mga taong nayumao na. Mga ispiritong ligaw,ika nga…
May mga matagal ng guro sa unibersidad ang nakakilala sa misteryong babae sa larawan………sya daw ang dating studyanteng namatay sa nasabing paaralan 2 dekada na ang nakakaraan. Sya daw si Mary Chua. Bakit sya namatay,wala paring nakaka-alam……

Chapter 4:

“Tangina pare oh!”gulat ni Bert habang hawak ang larawan. “Nakakatakot,kita mo Rj,katabi mo pa.”
“Ilayo mo nga saken yan Bert,ayaw ko yan makita. Tumatayo balahibo ko. Ganyan na ganyan ang nakita ko sa panaginip ko,”wika ni RJ. “Si Mary Chua daw yan eh.”
“Totoo pala ang kwentong kumakalat dito sa paaralang ito,”nasabi agad ni Jake,habang nagbabasa ni biology book.
“Ano Rj,naniwala ka na?”
Napahiya si Rj,bumaliktad ang sinabi nya dati….ngayon,naniniwala sya. “Sino ba kasi si Mary Chua,bakit sya nagpakamatay?”
“Oh ngayon,naging interesado ka na sa kanya,”sabi ni Bert.
“Iba kasi pare,”biglang naalala nya ang sinabi ng babae sa panaginip nya… “Tulungan ko daw sya? Bakit?..........................”

Nagtuturo si Mrs.Reyes sa buong IV-Rizal. Kilala si Mrs.Reyes bilang isang napakabait na guro. Kung ano ang ugali nni Mrs.Silva,sya rin naman ang kabaliktaran ni Mam Reyes. Kaya siguro hindi na nakakapagtaka kung nakit paburitong guro sya ng mga studyante…isa rin sya sa mga matagal nang nagtuturo sa Unibersidad ng Maynila.
Maulan nung oras na iyon. Malamig ang hangin kaya dito na naantok ang mga studyante. Tinatamad na silang makinig,isa na dun si Rj. Tulala at nakatingi sa malayo sa bintana. Si Jake ay patuloy parin sa pagbabasa ng libro. Si Bert naman ay pinagnanasahan ang katabi nyang babae,pasimple syang humihipo rito. Alam nya na nararamdaman ito ng katabi nya pero hinahayaan lang sya,dahil narin siguro nasasarapan din. At ang mga iba naman ay hindi na nakikinig sa lesson.
Nahalata ito ni Mrs.Reyes. Pero hindi sya nagpakita ng pagkagalit. “Klas may itatanong pa kayo?” hindi sya pinansin ng mga studyante. Naupo nalang sya sa teacher’s table at tinignan isa-isa ang mga studyante. Tinatamad ng ang mga ito.
“Klas,” narinig ito ng mga studyante. “Alam nyo ba ang kwento tungkol kay Mary Chua?”alam nya na malayo ito sa kaninang discation pero dahil dito, nagising ang diwa ng boung IV-Rizal. Handa silang makinig sa ikkwento ng guro,lalo na si Rj.
“Mam,bakit po sya nagpakamatay?”
“Kahit ngyon hindi parin nakakaalam ng pagkamatay nya,”panimula ng guro. “kilalang-kilala si Mary Chua dito sa Manila University kahit nuon pa. Dito sya nag-aral simula grade 1 kaya naman kilala na sya laht ng mga faculty,pati narin ng mga studynte dito. Napakabait nabata si Mary. Kahit minsan wala akong narinig na bagay na masama tungkol sa kanya. Maganlang at napakatalinong bata. Sya lagi ang pambato ng skwelahan nuong nabubuhay pa sya. Puno ng pangarap ang batang iyon. Masayahin syang tao. Makikita mo na marami syang kaibigan. Dahil sa angking kagandahan nya,maraming kalalakihan ang nabighani at sumumok na ligawan ang dalaga. Pero isa lang ang nagpatibok ng puso nya,si Ricardo. Naging sila ni Ricardo. Pero ilang linggo bago naging sila,dito na yumanig ang balitang,nagpalamatay si Mary Chua sa ikatlong palapag ng gusali…….lahat ay nagulat sa balitang yun. Nung libing nya,lahat ng IV-Rizal at pati buong Unibersidad ay nakiramay sa pagkamatay ng dalaga……sa kanyang pagkamatay,malaking misteryo parin ang gumugulo sa isipan ng nakakaalala. Walan ng kumento ang paaralan tungkol dito,”kwento ng guro.
“Eh Mam,bakit sya nagpaparamdam ngayon?”
“Humihingi siguro ng hustisya.”
Lahat ay natahimik sa kwentong narinig. Hindi nila aakalain na ang kwentong kinalakihan nila sa skwelahan na iyon ay totoo at hindi gawa-gawa.
Mas lalong tumintig balihibo ni Rj.
“KRRRRRRRRRRING! KKKKKKKRRRRRRRRING!”tunog ng skul alarm,uwian na.
Tahimik parin ang IV-Rizal. Bago sila umuwi,nag-alay sila ng dasal para kay Chua.
“Oh Rj,parang wala ka sa sarili ngayon ha,”bati ni Bert kasama si Jake. Nasa labas na sila ng campus.
“Siguro kaylangan nya ang tulung ko. Tulungan nyo naman ako,”wika ni Rj.
“Tulong saan?”sabi naman ni Jake sabay ayus ng salamin sa mata.
Hindi nakasagot si Rj ng diretso. “……………………..matutulongan nyo ba ako?”
Hindi alam ng dalawa ang sinasabi ni Rj. “Sige bahala ka. basta kung may problema ka,malalapit mo kami………..sige may lakad pa kami ni Kat eh,”wika ni Bert.
“Saang lakad naman yan,”
“Matek na yan Jake,hehehehehe. Sige ingat nalang sa inyo,”nagpaalam na si Bert at umalis kasama ang babaeng kanina lang ay pinupurmahan nya.
“Taga si Bert,ang hilig sa babae.”
“Hayaan mo sya,malibog na tao yan eh…………saan ang lakad mo Jake,?
“Ako,siguro sa bahay lang ako ngayon,mag-aaral,”wika ni Jake.
“Sige paalam na. inagat nalang.” Iniwan na sya ni Jake. Halata kay Rj ang subrang pag-iisip. Hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya. Para sa kanya ay ang hirap maglakad. Napatingin sya sa mismong gusali ng unibersidad. May kilabot syang naramdaman habang tintanaw nya ang paaralan. “Anong klaseng paaralan ba ang pinasukan ko. Hindi ito karaniwan sa mga pinasukan ko. Kakaiba. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-aral sa skwelahan na ito.” tinitignan nya ang mga basag na salamin sa gusali. Matagal na ang paaralan,napaghahalataan sa straktura at ayus ng pagkakapintura—kupas at luma na. Marami ng henerasyon ang dinaan ang gusaling ito. Marami ng kwento na pinaikot-ikot na sa kabila nun ay lumalabas ang totoong kwento…
Sa kanyang pagtanaw sa paaralan,may nakita syang babaeng nakaputi at makikita na kumakaway sa kanya. Agad syang tumalikod at nagawa na nyang maglakad.
“Kakaibang paaralan,”bulong nya sa sarili..

Chapter 5:

Gabi sa Manila University. Mag-isang nagttype sa computer si Mrs.Silva. Meron syang ginagawang impurtante. Matagal na sya dun. Patay ang ilaw para makatipid daw sa paaralan. Type lang sya ng type.
May kakaiba na syang nararamdaman habang lalong tumatagal sya dun. Pakiramdan nya,hindi na sya nag-iisa. Meron syang kasama na hindi nya nakikita. Hindi nya yun pinansin. Sa tanda nyang iyan ay maniniwala pa sya sa multo.
Maya-maya…………. “Tok,tok,tok,tok,tok,tok,tok,tok,”tunog ng isang keybourd sa hindi kalayuan. Hindi naman sya nagttype. Pinapakinggan nya na may tao pala na kasama nya sa computer lab.
“May tao dyan?” walang sumasagot….nagtaka na sya. Tumayo na sya at hinanap kung may tao ba talaga syang kasama. nilibot nya ang kwarto,walang katao-tao. Sya lang. Pero patuloy parin ang naririnig nyang pag-type sa keybourd. Eh wala namang tao….pinuntahan nya ang mismung computer na iyon kahit natatakot. Dun sya nangilabot ng mabasa ang nasa screen: “Tulungan mo ako,tulungan mo ako,”paulit-ulit na nababasa nya sa monitor. Patuloy parin ang pag type.
Sa takot ng guro,nagmadali syang lumabas agad sa com lab.

Mag-isa si Chesca sa girls cr. Alam nya na sya lang ang nandun. Nasa isa syang cubicle. May pumasok sa cr at tumungo sa katabing cubicle kung saan sya naruon. Kita nya ang paa ng taong iun. Siguro isa lang sya sa mga studynte or teacher sa skul. Dedma lamang sya. Lumabas si Chesca sa cubicle. Bago sya lumabas sa cr,naghugas sya ng kamay at humarap sa salamin. Nalibang syang ayusin ang kanyang mukha sa salamin. Narinig na nya na nag flash na ang isang cubicle. Pero ang tagal naman lumabas ng gumamit ng cubicle na yun. Dun na sya nagtaka. Dahan-dahan nyang lumapit sa nasabing cubicle para malaman kung may tao man. Laking gulat nya na wala palang gumamit dun. Walang tao. Sya lang pala ang nasa cr nun. Nangilabot na sya at nagsimulang tumayo ang mga balahibo. Kumurap ang ilaw. May narinig syang umiiyak
“Tulungan mo ako,”tinig na kanyang narinig. Nakakakilabot ang buses. Nagpatay sindi na ang ilaw. Tumingin si Chesca sa salamin. Bawat kurap ng ilaw ay may nakikita syang babeng nakabigti. Gulat na
gulat ang dalaga. Parang gusto nyang sumigaw pero hindi nya magawa…….namatay na nang tuluyan ang ilaw. Madilim,walang nakikita. Bumukas ulit ang ilaw at nasa harapan na nya pala ang babaeng duguan.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Matutulog na si Bert. Hindi pa sya dinadalaw ng antok pero ramdam nya na parang may malamig na humahawak sa kanya sa likod. Hindi nya yun pinansin inakala lang na insekto lang yun. Maya-maya pay,may kumukuha na ng kanyang kumot pababa sa kanyang katawan. Duon rin nya nalaman na parang may naka-upo sa paanan ng kanyang kama. Laking sindak sa kanyang nasaksihan dahil nakaharap nya ang babaeng duguang may lubid sa leeg.
Sa subrang takot ni Bert,nabasa ang kanyang short. Napatulala na lamng sya.
“Tulunagan mo ako,”wika nito sa kanya..
“AHHHHHHHHH!”wala nang nagawa si Bert kung hindi ang magdasal na hindi naman nya madalas ginagawa. “Ama naming sumasalangit,sundin ang ngalan mo!”dasal ni Bert,taimtim at nakapikit pa. Nilakasan nya ang kanyang dasal sa paniniwalang mapapa-alis nya ang multo……pagdilat ng kanyang mga mata,wala na nga duon ang babae, nakahinga ng maluwag ang binata. Pero paglingon nya,katabi na pala nya ang multo….
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Simula nun. Lagi nang nag mumulto si Mary Chua. Lahat na ata ng buong Manila University ay minulto niya. Dahil sa takot ng mga studyante,ang mga iba ay lumipat na sa ibang skul. Totoo ngang kakaiba sa lahat ang paaralang iyon.

Chapter 6:

“Putang ina pare,kung makita nyo lang ang nakita ko kagabi siguro hindi nyo kakayanin. Muntik na akong himatayin,”kinuwento ni Bert ang karanasan nya.
Tahimik lamang si RJ.
“A-anong itshura nya. Maganda ba?,”tanong ni Jake.
“Gago! Kung ikaw kaya ang makakita ng multong duguan ang mukha,hindi ka matatakot dun?”
“Diba,sabi ni Mrs.Reyes,napakaganda ni Mary Chua?”
Napansin nila Bert at Jake ang pagkatahimik ni Rj. Kanina pa itong walang imik. Malayo ang tngin.
“HOY PAREH!”na ikinagulat ni Rj.
“Ano ba tlaga kasi ang iniisip mo. Lam mo pansin lang namin na tahimik ka ngayong nakaraang araw,”wika ni Jake kay Rj.
“Wala ba kayo napapansin. Sa katagal-tagal ng panahon. Wala parin nakaka-alam kung ano ba ang pagkamatay ni Mary Chua. Isa talaga itong malaking misteryo,”
“Sooo ano plano mo Rj?”
“Alamin natin ang buong detalye tungkol kay Mary Chua. At pag nalutas na natin yun,tiyak na tatahimik na ang kaluluwa nya. Ano pab
or ba kayo dun?”wika ni Rj.
“Mmmmmmmmmh. Parang hindi eh. Kasi imposible na malutas pa natin yun. Ilang taon na ang lumipas diba. At kahit sino walang nakapag sabi kung ano ang pagkamatay nya. Tayo pa kaya?”
“Ano ba kayo,kaylangan nya ang tulung natin!”
Nagkaruon ng kaunting katahimikan sa 3. Napaisip si Jake bago sumagot. “Sige,ako,pabor ako sa binabalak mo Rj.”
Napatingin ang 2 kay Bert.
“Hehehe. Sige na talo na ako. Pabor narin ako. Wala na akong magagawa eh. Pero tiyak ako kinakaylangan nyo ang tulong ko.
Naghawak-hawak sila ng kamay at—
“Prot!”baho may umutot.
“Sorry ha,excited lang,”sabi ni Bert……

Inalam nga nila ang buong lahat na detalye tugkol kay Mary Chua.
“Sino ba si Mary Chua?”
Nagtanong-tanong sila sa mga studyante pati narin sa mga lumang teacher tugkol sa ano man ang nalalaman nila kay Mary Chua. Hindi nga sila nabigo. May mga nagbigay ng pahayag,meron ding hindi,at meron namang wala talagang kaalam-alam sa nangyayri. Pati racords ng skul ay pinakelaman na nila…….
“Kung aalamin nyo ang buhay ni Mary Chua,dapat alam nyo rin ang taon ng kapanahunan nya,”wika ni Jake.
“Sabi ni Mrs.Reyes na 2 dekada na ang lumipas. Sa isang dekada,may 10 taon….20 years ang lumipas. 2004-20=1984………1984 ang taon ng kapanahunan nya!”
“Tagal na ha.”
“Kung 4th year din sya nun,malamang na 15 or 16 ang edad nya.”
“Alam ko na may naisip ako.”
“Ano yun?”
Tinignan ni Rj ang 2. “Ano kaya kung magtungo tayo sa alumnai room. Nandun ang albun ang university. Diba nga,sikat na sikat si Mary Chua dito,kaya malamang na maron syang mga larawan dun.”
Nagkatinginan ang dalawa. “Oo nga noh!!!”
Walang sinayang silang sandali. Agad silang nagtungo sa sinasabing alumnai room.
“Teka,paano tayo makakapasok dyan. Lock na lock ang pinto. Kahit minsan hindi ko pa ito nakitang binuksan. Eh hindi ko rin alam kung ano ba ang nasa luob nyan,”wika ni Jake habang nakatingala sila sa harap ng malaking pintuan.
Malaki rin ang gusali. Inabanduna na. kupas at pinabayaan na ang gusali. Hindi na ito inaasikaso ng mga personel ng paaralan. Alam nilang maraming bagay na makakatulong sa kanila sa loob nyan. Pero paano sila makakpasok?
“Ano kaya kung akyatin natin ang punong yun,”tinuturo ni Rj ang narra katapat sa itaas ng bintana.
Ganun nga inakyat nila ang puno at pumasok sa maliit na bintana……
“Anong klaseng lugar ito,ang dilim. Hindi masyado pumapasok ang liwanag ng araw.”
“Ang alikabok pa!”wika ni Bert sabay na inubo.
“Hindi na ata ito nilinisan simula 1984!!!!! Ang dumi dito,”sabi ni Rj.
Napakalaki sa loob. Parang lumang library lang. ang kwartong ito ay punong-puno ng ala-ala ng skwelahan. Puno ng sapot at maalikabok sa paligid. Hindi na ito nililinisan. Napabayaan na.
“Tignan nyo ang bawat album,may nakalagdang mga taon. Hanapin nyo lahat ng may taong 1984,” naghanp sila ng naghanap. Hanap dito,hanap duon,buklat dito buklat duon. Halos puno na ng sapot ang buhok ng 3. Bahing sila ng bahing…
“Hahahahahahahahahahaha.”
“Oh Jake,bakit ka natatawa?”tanong ni Bert.
“Hahahahahahaha. Tignan mo yung litrato mo nuong grade 3,ang panget mo!”
“Hindi yan ang asikasuhin nyo. Nandito tayo para magtingin ng mga litrato ng hinanap natin,”wika ni Rj.
“Eto,may nakit ako ditong lumang album.1984!”
Binuklat nila ang libro. Napakaraming larawan,karamihan sa mga ito ay kupas na dahil sa katagalan narin ng panahon.
“Paano natin malalaman kung sino dito si Mary Chua?”
“Bert,dala mo ba ang klas picture natin?”
“Ooo. Ito.”
Ikinumpara nila ang ang dalawang larawan. Magkamukha nga. Sya ng ito. Binuklat pa nila ang lumang pilar,taong 1984…
“Sila pala ang dating IV-Rizal.”
“Ito oh,Mary Chua.”
“Eh bakit ganun? Walang naka-picture. Blangko lang”
“Siguro namatay sya,bago sya naka graduet….”
Tinignang mabuti ni Bert ang isang litrato “Kung si Mary Chua nga ang nasa larawan,totoo palang napaka ganda nya,”
“Teka,sya ba yung kanina pang nakatayo dun?”
“Oo sya nga,” bigalang nagakatahimik ang 3..
“EHHHHHHHHHHHHHHHH!”napatili sila na parang bading. “AHHHHHHHHHHHHHHHH MULTO!”subra sila nataranta. Unahan silang lumabas sa bintana kung saan sila unang pumasok. Dahil sa pag-mamadali,sabay silang nahulog sa mataas na puno.
“Blag!”
Unang bumaksak ang likod ni Rj. Pwet naman kay Jake at sumubsub ang mukha ni Bert sa tae ng aso.
“Pwe. Badtrip!!!!”

Chapter 7:

Kahit sino walang nakaka alam ang tungkol sa pag-kamatay ni Mary Chua. Isa itong malaking palaisipan na nagpaikot-ikot sa nasabing paaralan…..Ito ang kwento ng buhay ni Mary Chua…..
Manila University,1984…………
Abala ang lahat sa paghahanda sa isang program. Mag-kakaruon ng singging contest.
“Mary,Mary,Mary,”tawag ni Ms.Siva. “Amy,diba,kasama mo kanina si Mary,nasaan sya ngayon? Hindi pwede na wala sya sa program,nakakahiya sa mga gest.”
“Opo kasama ko sya kanina pero tinawag sya kanina ni Oliver.hindi ko na po alam kung saan nag punta sila,”wika ni Amy.
“Magsisimula na ang program,hahanapin pa sya.”
“Wag po kayo mag-alala Ms.Silva,pagnakita ko po sila,sasabihin ko po ang sinabi nyo.”
Samantala nasa tagong lugar pala si Mary kasama si Oliver.
“Oliver,bat mo ba ako dinala dito. Kaylangan na ako dun,”wika ni Mary Chua.
“Ngayon lang kasi kita masusulo. Hindi na kita masyadong nakaka-usap. Ang lungkot ko dahil parang wala ka ng panahon sa akin,”wika ni Oliver na nakahawak sa balikat ni Mary.
Natahimik lamang si Chua,hindi sya makatingin sa mata ng Kaharap.
Hinawakan ng Binata ang mukha ng dalaga. “Mahal mo ba ako?”
Hindi parin nakasagot si Mary.
Hahalikan na sya ni Oliver. Malapit ng magdikit ang kanilang mga labi ng biglang umiwas si Mary. “Ayuko Oliver,napaka-bata pa natin para dito.”
“Nagsabi ka saken dati na mahal mo ako,”sabi ng binata na sya namang biglang pagsulpot ni Amy.
“Hoy Mary,nandyan lang pala kayo. Alam mo ba na malapit nang magsimula ang program? Kanina ka pa hinahanap ni Ms.Silva.”
“Ay ganun!?”gulat ni Chua. “Oliver,kaylangan ko na umalis. Kaylangan na ako dun.”
Malungkot at walang imik lang si Oliver. Iniwanan na sya ng dalawa. “Lagi ka nalng ganyan,wala kang oras para saken,”bulong nya sa sarili. Naiwan syang malungkot at nag-iisa.

Pagkatapus kumanta ni Mary,halos hindi magkandamayaw ang sigaw ng mga tao. Ang pangalan lang nya ang sinisigaw ng karamihan. Hindi magkandamayaw ang kanilang hiyawan. Ang mga kalalakihan ay panay ang sipul. May gumawa pa ng malaking banner pala sa kanya. Marami syang taga hanga. Para syang artista.
“Alam mo Oliver,napakasuwerte mo ha. Nobya mo ang sikat na babae dito sa skul,”wika ni Ricardo habang masayang pumapalakpak.
“Yun nga ang problema eh. Wala syang panahon saken”
“Mahirap nga yan.”
“Ok lang. Iba naman ang habol ko sa kanya eh,”wika ni Oliver.
“Huh?”
“WHOOOOOOOOOOOOOOOOO WE LOVE YOU MARY CHUA!!!!”sigaw ng mga humahanga sa kanya.
Pagbaba ng stage,agad syang sinalubong ng mga studyante at mga guro. Lahat sila ay masaya at binati ang dalaga.
“Mary,you so perfect,”bati ni Ms.Reyes.
“Thank you po,”nakangiting wika nya.
Maraming bumati at gustong nagpakuha ng litrato. Sa katapusan ng program,syempre,si Mary Chua ang nagwagi..

“Ang galing talaga ng kabarkada natin. Cheers,para kay Mary,”wika ni Amy,habang tinataas ang bote ng coke. Nasa canteen na sila.
“Ang galing mo Mary,marami kang pinahanga kahapon. Bagay nga sa iyo ang maging artista,”wika ni Mina.
“Salamat,”nahihiya pang sagot ni Mary. Mapakumbaba sya. Ayaw nya na nakikitaan syang nagyayabang.
“Mmmmmh. Ikaw ba si Mary Chua?” wika ng isang hindi kilalang binatang dumating. Isa sya sa mga tagahanga nya. “Ang galing mo kahapun ha. Binabati kita. Mmmmmmh pwede magpa-otograp sa iu?”
“Mary,sikat ka na talaga. May mga fan ka na!”wika ni Amy sa kaibigan.
Marami pang bumati sa kanya at humingi ng oto-grap. Masaya naman sya itong pinipirmahan.
“Gusto nyo mamaya pasyal tayo?”wika ni mary.
“Sige,pero libre mo kami.”
“Sure,walang problema. Sagot ko.”
“Amy,mahiya ka nga. Puro ka nalang palibre,”wika ni Mina.
“Hehehehe. Hindi sige,ok lang saken.”
“Game.”
Mag-uuwian na. “Mary,pwede ba na makasama kita ngayon,pasyal tayo. Friday ngayon at wala namang pasok bukas,”wika ni Oliver bago sila lumabas ng klasroom.
“Ay,sory ha. May lakad kami ng barkada eh. Next time nalang.”alam ito ni Mary na ikakagalit ito ni Oliver. Hindi nalng sya nagsalita pa.
“Mary,tayo na,”tawag ni Mina kasabay si Amy.
“Sige nandyan na.”
Subrang nainis si Oliver. Pinaghandaan nya ang araw na ito dahil ito ang 11th monthsary nila. Pero binalewala ito ni kanyang kasintahan.
Sa Aristocrat sila kumain,isa sa mga sikat na restourant sa panahon na iun. Pagkatapus kumain,tumambay sila sa Luneta. Naupo sila sa isang upuan at pinapanoud ang mga dumraang sasakyan.
“Aray ko,naparami ata ang kain ko,”wika ni Amy. Hirap syang huminga dahil sa katakawan nya.
“Tignan nyo,kayraming mga dumaraang sasakyan sa kalsada. Kahit gabi na,marami paring namamasyal dito. Kay saya tignan ng magsingirog na iyon. Tunay sila kung nagmamahalan,”wika ni Mary.
“Hoy ano ba nakain mo at nagsasabi ka ng ganyan?”tanong ni Mina
“Teka,nakikita nyo ba yun?”turo ni Amy.
“Saan?”
“Ayun oh.”
“Oh ano naman ang mayruon sa rebulto ni Rizal?”
“Wala lang idol ko yun eh. Saka nakaka-inspire ang sinabi nya: nasa kabataan ang pag-asa ng ating bayan.”
“Ang cory mo Amy,”
“Nga pala next year,collage na tayo sa susunod,ggraduate na tayo. Ano ang kukunin nyong curse?”tanong ni Chua.

“Ako Eduction,para maging teacher,”sabi ni Amy.
“Ako,Medical. Para maging doktor ako. Bata pa kasi ako. pangarap ko na iyon,”wika ni Mina. “Kaw Mary,ano ang kukunin mo?”
“Gusto ko maging Piloto pero sabi ng parents ko,hindi daw bagay saken. May bagay parin daw saken ang maging artista na sa una ay ayaw ko pero nasanayan ko narin. Kaya naging panagrap ko na ang pag-aartista.”
“Ang lingkot pala, magkakahiwalay tayo sa susunod na taon.”biglang nalungkot ang 3.
“Wag kayo malungkot. Alam ko naman na magkakasama parin tayo sa colllage,kaya ng lang hindi na tayo magkklase. Alam ko na hinding-hndi tayo maghihiwanay. Mahirap ang buhay collage pero kung magttyaga tayo,laging nasa huli ang ligaya,”wika ni Mary na napapaiyak na.
“Tama na nga. Ayaw ko ng ganitong usapan eh,”wika ni Amy.
Para mawala ang lungkot,nagawa nilng magbiruan. Ang kaninang malungkot na usapan ay napalitan ng ligaya. Kinanta pa ang paburitong kanta nila na Highschool life. Ito ang paburito nilang kantahin sa tuwing sila ay magkakasa. Marami pa silang masayang napag-usapan hannggang sa napunta sa—
“Love!?”
“Sino ba ang crush nyo sa campus?”
“Ako si Mark,”wika ni Mina.
“Si Delbert ang crush na crush ko,”sabi ni Amy na kinikilig pa sa tuwing sinasabi ang pangalang iyon.
“Ikaw Mary,mahal mo ba ang nobyo mong si Oliver?”
Natahimik sya sa tanong ni Mina. “Eh kasi….”
“Ano!? Sa katagal tagal nyo nagsasama,hindi mo pala sya mahal?”
“Sinagot ko lang sya dahil umasa akong mahal nya ako. Hindi eh. Iba lang ang habol nya saken.”
“Lam mo Mary,masama ang ginawa mo. kung hindi mahal ang tao,dapat wag mo na sya paasahin pa.”
“Hayaan nalang natin mahalata ni Oliver yun. Mas lalo lang sya masasaktan kung sasabihin ko pa sa kanya yun.”
“Lam mo,ikaw rin ang mapapahamak dyan. Ang karma,mabilis bumalik,minsan triple pa ang balik sa iyo,”babala ni Amy.
“Malinban kay Oliver,sino pa ang crush mo?”tanong ni Mina.
“Si Ricardo,”sagot ni Mary. “Simula 2nd year,may pagtingin na ako sa kanya. Pero hindi sya nanligaw saken,kaya yun si Oliver nlang ang sinagot ko,”paliwanag ni Chua.
Ngayon malinaw na sa 2 kung sino ang tunay na minamahal ni Mary. Marami pa silang masasayang bagay na pinag-usapan. Magdamag silang nagbibiruan at nagkukulitan. Hangang sa napasarp ang kanilang kwento at hndi na nila namalayan ang oras.
Napatingin ni Amy sa kanyang relo. “Ay hinahanap na ako ni Papa. Gabi na.”
“Osige,uwi na tayo. Maraming salamat at nakasama tayo.”
“Sana lagi natin itong gawin sa susunod.”
“Lagi nyong tandaan na hindi tayo maghihiwalay,”wika ni Mary.
At nagpaalam na sila sa isat-isa. Baon nila ang masayang gabing hindi nila malilimutan….

Kahit kaylan

Chapter 8:

“Amy,Amy,nakita mo ba si Mary?”tanong ni Oliver. Kanina nya pa hinahanap ang kanyang kasintahan.
“Hindi rin eh. Hanapin mo sa library baka nga nandun.”
Walang nagawa ang lalake kung hindi hanapin nalang ang taong gusto nyang makasama sa araw na iyon. Pero wala. Hindi nya makita.
“Oh Mina!,magkasam pala kayo ni mary,”wika ni Amy sa dalawa na kakarating lang sa klas room. “Hinahanap ka ng bf mo,”dag-dag ni Amy.
Binale wala nalamang ng dalaga ang sinabi ng kanyang kaibigan. Para sa kanya,ayaw nyang makasama ang lalakeng hindi naman nya talagang minahal. Napatingin sya kay Ricardo habang nakangiti sa kanya. Matagal rin na pala syang pinagmamsdan nito.
Nilapitan si Mary ni Ricardo na kanya namang kinatuwa….kinikilig sya habang palapit ng palapit ang binata.
“Hi,mary,”unang bati sa kanya.
“Helow,”sagot nya na may lihim na paghiya. Hindi sya makatingin sa mga mata ng kanyang kausap. Natuturpe ang dalaga. Lubos nya itong kinasaya.
Naupu naman si Ricardo sa tabi ni Mary…..
“Mmmmmmmh,Mary,pwede bang paturo sa math natin? Ang hirap kasi.”
“Ano ka ba. Madali lang naman yan eh. Sige turuan kita,”agad kinuha ni Mary ang kanyang math note book at isang black ballpen. Habang tinuturuan nya si Ricardo,halos napapautal ang dalaga sa kaba. Malakas ang tibok ng kanyang puso….hindi makapaniwala na kaharap nanya ang lalakeng pinapangarap nya….patuloy parin nya sa pagtuturo. Napapansin nya na hindi na nakikinig si Ricardo. Nakatingin lang ito sa kanyang mata. Tinititigan lang sya ng binata. Mas lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso….napahinto si Mary sa pagsasalita.
“Ano ba yan. Nakakaantok. Ang hirap intindihin. Hirap,”sabi ni Ricardo sabay unat.
“Ikaw kasi hindi ka nakikinig kay Sir pag discation.”
“Hay nakakahilo naman yang math….tara laro nalng tayo. SOS tayo,”masayang sadi ni Ricardo kay Mary. Kinuha nya ang ballpen na hawak ni Mary,binuklat nya ang note sa kabilang pahina.
Wala namang ginagawa nuong araw na iyon dahil walang teacher,pumayag narin si Mary kay Ricardo. Naglaro sila para malibang.

Ang init ng araw. Tanghaling tapat nasa gitna ng init ng araw si Olver. Hinahanap parin ang kanyang nobya…hindi parin nya mahagilap kung saan sya mapunta. Nawalan na sya ng pag-asa. Babalik nalamang sya sa klasroom para magpahinga. Wala. Walang Mary Chua ang kanyang nakita.

“Hahahahahaha,ikaw kaya. Ang daya daya mo eh.”
“Hehehehehe. Hindi kaya.”
Nalibang na si Mary at Ricardo sa paglalaro. Hindi na nila napansin ang oras hanggang sa may pumasok ng teacher. Tumahimik ang buong klasroom na kanina lang ay napakagulo. Tumayo ang lahat, “Gud after noon Sir Alnaba!”
Nagsimula na ang klase. Magkatabi parin sila Mary.
Sa kalagitnaan ng discation,biglang bumukas ang pinto na kinagulat ng lahat. Si Oliver ang nasa labas,nakatayo. Pawis na pawis at pagod na pagod.
“Oliver,napakatagal mo nang late. Saan ka ba nagpunta?,”tanong ng guro pero hindi ito pinansin ni Oliver.
Parang wala sya sa kanyang sarili. Malayo ang kanyang tingin. Wala syang naririnig. Pinag masdan nya lahat ng kanyang mga kklase. Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Oliver. Nakita na nya ang kanyang hinahanap,si Mary…..pinagmasdan nya ito ng napakatagal.
“Oliver!”tawag ng guro
Walang narinig si Oliver. Nakatingin lang ito kay Mary.
“Ano nangyari sa taong ito? nababaliw na ata,”bulong ni Ricardo.
Lahat ay nahihiwagaan na sa kinikilos ng binata. Umiwas nalamang ng tigin si Mary.
“OLIVER!”napasigaw na ang guro. Dahan-dahang tumingin ang binata sa kanya. “Lumabas ka sa klase ko. Lagi kang wala sa sarili. Gusto kita maka usap sa prinsipal office mamaya.”
Bago umalis,tinignan na muna nya ulit si Mary. Tinignan rin sya nito at nag iwan ng matamis na ngiti si Oliver ………
“Ang wirdo mo…………”


chapter9:

Masayang nakaupo sila Amy,Mina,at Mary sa malamig na lilim ng puno ng acaccia. May mahabang upoan dito para sa gawing tambayan. Dito sa lugar na ito madalas makita ang 3. Ito ang paburito nilang tambayan. Masaya silang nagkkwentohan sa kung ano-anong bagay na nangyari sa kanila. Madalas,si Amy lang ang maririnig na maingay sa kanila. Si Mina naman ay tahimik na nagbabasa ng libro. Si Mary nman ay masayang nakikinig sa mga kinukwento ni Amy.
Dumating si Ricardo at papalapit sa kanya.
“Si Ricardo oh,”bulong ni Mina sa dalawa. Dito muling namula si Mary.
“Uy,Ricardo. Halika dito,kausapin mo si Mary!!!!”tawag ni Amy.
“Ano ba Amy,nakakahiya nman sa kanya. Tumahimik ka nga,”bulong ni Mary.
Lumapit na si Ricardo na may baong ngiti….ngiti na hindi makayanan ni Mary na makilig. “Hi.”
“Oh sige,maiwan ko muna kayo Mary,alam naman kasi namin na kakadisturbo kami sa pag-uusapan nyo.”
“Hoy hindi ha. Wag nyo akong iwan,”hindi makayanan ni Mary na mahiya. Tumayo sya sa kanyang kinauupoan para sumama sa mga kasama pero pinigilan ito ni Ricardo. Hinawakan sya sa kanyang braso.
“Wag ka muna umalis. May sasabihin lang ako sa iyo saglit,”sabi ni Ricado. Pumayag narin si Mary sa kagustohan ng binata.
Iniwan na sila nila Amy at Mina….
Tahimik lang ang dalawa. Sa una ay walang salita na lumabas sa kanilang bibig. Nakakabingi ang katahimikan. Lumakas ang hangin. Maririnig ang hampas ng mga dahon sa itaas ng puno. Huminga ng malalim si Mary bago ito nakapagsalita. “Ricardo,ano pala yung sasabihin mo saken?”
Tumingin si Ricardo sa kanya. “Ah kasi…..ikaw ang gusto kong makausap ngayon,”
“Eh,tungkol ba saan ang pag-uusapan natin? Tila importante,”wika ni Mary.
“Tama,importante nga.”
“Tungkol saan?”
“Sa iyo!”
“Sa’ken.”
“Oo Mary,sa iyo. Ewan ko ba kung ano ang nararamdaman ko sa iyo kapag kasama kita. Masaya ako sa iyo. Kapag nakikita kitang masaya,masaya ang nararamdaman ko. Ayaw ko na nakikita kitang nasasakan kay Oliver.”
Hindi makapaniwala si Mary sa kanyang narinig. Halos magwala ang kanyang puso sa kaligayahan. Hindi sya makapagsalita.
“Ikaw. Isa ka sa mga nagpapasaya saken---
“Ganun din ako sa iyo,”bilang sabat ni Mary. Hindi pa nya tinapus ang sinasabi ni Ricardo……….. “Minahal mo na ba ako?”
“Oo.”
“Minahal rin kita kahit nuon pa.”
“Mary,ayaw ko ang nararamdaman ko. Ayaw ko makasakit ng damdamin ng ibang tao. May masasaktan kung tayo ay magmamahalan. Ayaw ko masaktan ang aking kaibigan. Buti pa,hanggat maaga pay,iwasan na natin ang isat-isa. Tigilan na natin ang ating nararamdaman. Maging msaya ka sana kay Oliver.
“Ayaw,”wika ni Mary na may kaunting luha sa mga mata. “Hindi ko sya minahal. Ni hindi nya ako nagawang pasayahin. Hindi mo ba alam kung sino ang aking iniibig?”
“Sino?”
“Ikaw!”
Nagkaruon ng matagal na katahimikan sa dalawa. Makikita na may luha sa kanilang mga mata.
“Mahal kita Mary,”seryusong sabi ni Ricardo. Ito ang katagang pinangarap ni Mary nuon pa kay Ricardo. Titig na titig ang kanyang tingin sa mga magagandang mata ni Mary.
Lubos na kinakiya ito ng dalaga. Sa labig na ksiyahan,sya ay napaluha. Napaiyak sya dahil hindi nya aakalain na masasabi nito ng lalakeng gusto nya.
“Minahal rin kita Ricardo kahit simula pa,”wika ni Mary.
Nagakapan ang dalawa. Magkadikit ang kanilang katawan. Kasunod nun ang isang mahabang matamis na halik……….

Si Oliver ay nagunaw ang mundo sa nakita. Sya ay nasaktan. Kanina pa pala syang pinagmamasdan ang dalawa. Duon nya nalaman na matagal na palang walang pagtingin sa knaya ang babaeng minahal nya. Lalo pa at nobya pa nya yun. Pinaasa lamang pala sya. Kay lungkot. Wala na syang magagawa pa.


Chapter 10:

Naging masaya si Mary at Ricardo. Araw araw silang makikitang magkasama. Kumalat sa buong campus ang kanilang pag-sasamhan. Lahat ay nakaka alam kahit ang mga teacher. Bawat araw na lumulipas ay tumitibay ang kanilang pag sasama. Laht ay masaya. Masaya na sana ngunit……………
“PUTANG INA NINYO……MAMATAY NA SANA KAYO TANG INA AHHHHHHH,”sigaw ni Oliver na. nagwawala sya sa kanyang kwarto. Lahat ng kanyang mahawakan ay sinisira at binabato nya. Marami na syang nabasag na gamit. Lahat na ng kapit bahay ay naiiskandalo sa nangyayari kay Oliver. Walang tigil ang kanyang pag sigaw at pag mumura. Halos dinaan ng bagyo ang kanilang bahay. “TANG INA,TANG INA,TANG INA!!!!!!”. Tumatahol ang mga aso ng kanilang kapit bahay dahil sa takot. Ang kanyang mga kamay ay punong puno ng dugo.
Hindi nya matanggap na iniwan nalang sya basta ni Mary. Pinagpalit sya….subra syang nasaktan. Patuloy ang kanyang pag wawala hanggang dumating ang kanyang kuya at aga itong inawat.
“Oliver,ano ba problema mo? Tumigil ka na!”sigaw sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid ngunit pilit itong pumipiglas sa pagkakahawak. Nakawala sya. Sa galit ay sinuntok ni Oliver ang kanyang kuya. Nakalimutan na nya ito na kapatid nya. Tumakbo si Oliver palabas ng bahay. Kung saan sya pupunta ay walang nakakaalam. Malaki ang pinagbago ni Oliver. Naiwan ang kanilang bahay na magulo at wasak wasak lahat ng gamit…….

Sa Manila University…kumukulimlim ang kalangitan. Tanghaling tapat ngunit nakasindi ang ilaw dahil napaka dilim. Walang sinag ng araw ang nagbibigay liwanag sa paligid. Lumalakas ang hangin. Ang mga dahon at sanga ng puno ay nalalaglag kasabay nun ang unang mahinang ambon. Lumamig ang hangin….naging masungit ang panahon…………..may parating na hindi inaasahang bagyo. Malakas na hindi ninaakala ng karamihan.
Napilitan ang unibersidad na ikansela na lahat ng antas ng paaralan habang umaga pa para maka uwi agad ang mga studyante.
“Ok klass,suspended tayo. Ihanda na ninyo ang iyong gamit dahil pwede na kayo umuwi,”wika ni Ms Silva.
“Ay bweiset naman oh. May pinuntahan parents ko. Walang magsusundo saken,”wika ni Amy.
Walang iniisip si Mary kung hindi si Ricardo. Hinahanap nya ito.
“BOOOOOOOOOOM!!”isang malakas na kulog. Dito na nagsimulang lumakas ang ulan. Patuloy ang pagkulog at pagkidlat……..
Nasa labas na ng gate si Ricardo. Hinihintay na lamang si Mary. Pero sa dami ng tao ay hindi nya ito makita. Sabay-sabay kasi na nagsilabasan ang lahat. Hindi nya makita si mary.
“Tara na Ricardo,sino pa ang hinihintay mo?”wika ni Carla na kinukuha ang kamay ng binata.
“Pero teka,hinihintay ko pa yung---
“Tara na,”

“Hay naku. Baka abutan tayo ng gabi nito!”wika ni Amy. Silang 3 ay naiwan sa klasroom. Hinihinatay tumila ang bagyo pero malabo ito mangyari. Hindi mapakakali si Amy. Si Mina naman ay nagbabasa ng libro. Pero sa kanilang 3 ay si Mary lang ang kanina pang walang imik. Malalim ang kanyang iniisip. Nag-aalala para kay Ricardo.
“Teka lang mag ccr lang ako,”sabi ni Mary.
“Samahan ka na namin.”
“Wag na,”saka ito tumalikod at lumabas ng klas room. Iniwan nya ang dalawang kaibigan.
“Badtrip ata yun.”

Mag isang nilakad ni Mary ang malamig na kahabaan ng coridor. Alam nya na sya lang taong naglalakad duon. Patuloy ang kanyang pag lalakad hanggang may nararamdaman syang kakaiba. Parang hindi sya nag-iisa. May sumusunod sa kanya. May aninong kanina pa nakatingin sa kanyang likuran. Agad syang lumingon pero wala. Hangin lang ang gumagawa ng ingay sa paligid. Pinagpatuloy nya ang paglalakad ng biglang may narinig syang isa pang bakas ng sapatos sa kalayuan. Dito na sya kinabahan. May gustong sumunod sa kanya. Malamig ang hangin,lumamig narin ang kanyang talampakan at paa.
Naglakas si Mary na sumagot, “may tao dyan?”………………..walang sumagot. Umeko lang ang kanyang sinabi.
Lumuwag ang kanyang paghinga. Wala nga. Walang tao. Sya lang talaga ang nandun.
Biglang kumulog ng malakas at lumiwanag ang paligid. Kinagulat nya ito. Mas lalo syang nasindak nang nakita nya na may tao talaga na umusunod sa kanya. Nakatayo lang ito sa tapat ng bintana. Sa takot ay tumakbo si Mary. Naglingon nya ay hinahabol na sya ng taong kanina pang sumusunod sa kanya. Mas lalo nyang binilisan ang pagtakbo. Umakyat sya sa 3rd floor at nagtago sa girls cr. Nilock nya ang pinto upang hindi sya masundan.
“Blag,blag,blag,blag!!!!”pilit binubuksan ng lalake ang pinto. Si Mary ay napaiyak sa takot. Hindi nya alam kung sino at ano ang gusto ng lalakeng yun sa kanya. Nakakatakot. Malakas parin ang bagyo………….hindi na pumapalagpag ang pinto. Wala na ata duon ang lalake. Pero nanduon parin ang takot ng dalaga. Dahan dahan syang lumapit sa pinto. Nilapit nya ang kanyang tenga,pinapakinggan kung may tao sa labas. Wala. Walang syang naririnig. Wala ng tao.
Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto. Pagbukas ay kimiglat ulit ng napakalakas. Lumiwanag at duon nya nakita si Oliver na nasa tapat lang ng pinto,kaharap nya.
“O-Oliver. I-ikaw pala. Bat nga pala absent ka kanina?”natatakot na wika ni Mary.
Hindi sumagot si Oliver. Masama ang tingin sa kaharap. Parang tigre kung sya kung makatingin. Galit na galit. Bigla nalamang nya sinakal ang dalaga.
“Ahhhhh, Oliver…….nasasaktan ako.”
“Nasasaktan ka? Mas sinaktan mo ako. Mas masakit pa dyan ang ginawa mo saken.”
“Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa iyo agad. May pagtingin ako kay Ricardo.”
Lalong humigpit ang sakat ni Oliver. “Hindi mo ako minahal?! Mary,lahat ng gusto mo,ginawa ko binigay ko. Hindi ka pa dun nakuntento?”
“Tama na Oliver,nasasaktan ako.”
“Minahal kita. Naniwal pa ako na minahal mo ako kaya kita minahal. Akala ko mamahalin mo ako pero ano ang ginawa mo?!! Ginago mo ako! Ginago mo ako Mary,….hindi ko makayanan. Nababaliw na ako. Kung mahal nga kita,sana hindi kita sinasaktan. Diba. Hehehehehe. Gusto ko lang makaganti sa iyo. Masakit. Masakit,”sabay hinalikan nya si Mary.
Umawat agad ang dalaga…
“Alam mo ang ganda mo,”wika ng baliw.
Nang-laban si Mary. Hangad nya ang makatakas. kumakawala sya sa akap ni Oliver. Nagawa nyang pumiglas. Sa galit sinuntok nya sa mukha si Oliver. Dumugo ito.
“Hehehehe. Yan ang gusto ko sa babae. Ang palaban,”bilang ganti,sinuntok nya ng napakalakas sa sikmura ang babae. Halos napahiga ito sa sakit,sumuka ito ng dugo.
Nagawang gumapang si Mary para makatakas. May dugo ang kanyang bibig. Sa sakit ay hindi nya magawang makasigaw para humingi ng tulong. Nakangiting pinagmamasdan lamang sya ni Oliver na wala na sariling katinuan.
Nakatayo si Mary sa tapat ng pintuan,gusto nyang makatakas. Hirap sya dahil sa suntok na natamo. Lumalapit si Oliver na may hawak na malaking,matigas na tubo. Alam na ni Mary na ito na ang kamatayan nya
“Ricardo,Ricardo..nasaan ka mahal ko. Tulungan nyo ako. Tulungan nyo ako,tulungan nyo ako,”ang tangi lamang sinasabi ni Mary bago sya mamatay. Hinanda na nya ang kanayang sarili. Pinikit nalamang nya ang kanyang mga mata.
“MAG SAMA-SAMA KAYO SA IMPYERNO!!!!!!!!”
“PAK!!!!!”hinampas ni Oliver kay Mary ang tubo na kanya nyang ikinamatay. Tumalsik ang bahagi ng dugo sa pader. Kumalat ang dugo sa sahig. Patay na si Mary Chua…..nagawa pa nyang pagsamantalahan si Mary. Hinubaran nya ang damit ng dalaga at ginawa nya ang gusto nyang inaasam na pagnanasa. Pagkatapus ay binihisan nya ulit ang bangkay. Kumuha ng lubid at binigti ang patay na si Mary Chua. Pinalabas na nagpakamatay ito para hindi sya mahuli na sya ang may pakana. Pagkatapus ay hinugasan nya ang kanyang kamay. Pagod na pagod si Oliver. Naghilamos sya para matanggal rin ang bahid ng dugo sa kanayng mukha. Agad syang tumakas. Naiwan pa nyang bukas ang gripong ginamit. Sa 3rd floor cr kawawang makikita na nakabigti si Mary.

“Nakakainis. Kanina pa itong ulan…nalimutan ko kasi ang payong ko,hindi tuloy tayo maka-uwi,” wika ni Amy na hindi mapakali sa kinalalagyan. Panay ang silip nya sa bintana
“Amy,mahinahon ka lang at titila lang yan sandali,” wika ng isang dalaga na may suot na salamin. Nagbabasa sya ng libro upang malibang. Sya si Mina.
“Kinakabahan na kasi ako.Gabi na oh …….. Iba na kasi kutob ko,” palakad-lakad si Amy,halatang kinakabahan. “Nga pala si Ricardo,nakauwi na?”
“Oo. Kasama ni Carla kanina,” wika ni Mina.
“Nakuuuuh iba na kasi kutob ko. Paniguradong hinahanap na ako ni papa.”
Palakadlakad parin si Amy. Lakad dito,lakad duon,sisilip sa bintana at maglalakad ulit. Hindi sya tulad ni Mina na tahimik lang na nagbabasa.
Maya-maya pay,biglang kumurap ang ilaw. Nabigla ang dalawa at nagkatinginan. Dito na sila dinalaw ng takot at kaba….
“M-Mina,nasaan na pala si Mary?,”
“Diba sabi nya,mag-ccr lang sya.”
“Ang tagal naman,” nag-aalala na ang dalawa.
Malakas parin ang bagyo. Gabi na. Napakadilim ng kahabaan ng coridor….binuksan nila ang switch ng ilaw sa coridor para makita ang dinadaan at upang mawala ang takot. Tumatama ang lamig ng hangin sa kanilang makha. Magkahawak kamay sila mag-lakad. Dahan dahan sila kung maglakad…..nagtataka sila kung bakit nawala nalang ang kanilang kaibigan… nasaan na kaya si Mary?
Habang sila ay umaakyat ng hagdan papuntang 3rd flour………..
“Mina,ano yun oh—,”
“BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!!!!!!!!!,” isang malakas na kulog na yamanig sa katahimikan. Kasabay nun ang kadiliman. Nag brown-out.
“EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH,” takot na napasigaw ang 2. nagtatakbo sila hanggang narating ang girl’s cr. Napahinto sila na hingal na hingal…
Dahan-dahan nilang binuksan ang pinto. Walng katao-tao sa loob. Napakadilim. Bukas ang gripo……
“Mary,Mary,Mary Chua? Nandyan ka ba? Ang tagal mo naman. May peryud ka ba?” nagawa pang magbiro ni Amy kahit halatng natatakot na….
“Wala dito si Mary,malamang naka-uwi na yun. Alam mo naman ang babaeng yun ang hilig mang iwan,” wika ni Mina habang pinapatay ang gripo.
Aalis na sana ang dalawa ng may nakita silang kakaiba
“Tignan mo may sariwang dugo dito!”
“Ano ka ba,sympre,natural lang yan sa girls cr. Malamang,kagagawan yan ng isang burarang babae.”
“Papunta ang bakas ng dugo sa cubicle na yun.”
Sinundan nila ang bakas ng dugo……dahan-dahan nilang binuksan ang cubicle na yun.
“BOOOOOOOOOOM!,” isa nanamang malakas na kulog. Dahil sa kurap ng kidlat,lumiwanag ang paligid. Dito nila nakita si Mary Chua na duguang nakabigti!!..
“EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH MARY JUS KOH EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!”


Chapter 11:


Manila,2003………
“Kilala nyo ba si Mary Chua?”tanong ni Rj kay Amy. Tulala lang ito sa isang direction. Matanda na si Amy.
Nasa bahay nila Amy sila Rj,Jake,at Bert. Kinuha nila ang adress sa lumang pilar. Pilit nilang inaalam ang pagkamatay ni Mary. Marami na silang napagtanungan tungkol dito.
Nagtataka ang tatlo kung bakit hindi sumasagot si Amy.
“Ganyan na talaga si ate simula nakita nya si Mary nuong gabi na nakita nilang nakabigti ito. simula nun,lagi ng tulala si ate. Hindi parin nya makalimutan ang nangyari,”sabi ni Rose na nagdala ng biscuit para sa mga bisita. Sya ang nakakabatang kapatid ni Amy.
Nalungkot lahat ng nasa sala. Tumahimik ang buong paligid. Tunog lang ng biscuit na kinakain ni Bert ang maririnig.
“Hoy ano ba Bert,mahiya ka nga.”
“Sarap kasi eh.”
“Kayo po,May alam po ba kayo tungkol kay Mary?”tanung ni Rj.
“Meron pero 1st year pa ako nuong marinig ko ang tungkol sa kanya. Hindi ko masyado napag alaman dahil sa ibang skul ako nag-aaral nun,”tumayo si Rose “Teka may ipapakita ako sa inyo,”kinuha nya ang isang makapal na album. “Ito yung gabi na kasama ni Ate si Mary. Si Ate yung nasa gilid,yung nasa gitna,yan. Yan si Mary Chua. Ung isa,Mina daw ang pangalan.
Pinagmasdan ng 3 ang larawang iyon. Ito ay kuha nuong gabi na magakasama sila sa luneta.
“Hinding-hindi yan malilimutan ni ate.”
Tinignan ni Rj ang nasa likod ng litrato. May nakasulat.

: “Para sa mga tunay kong kaibigan,alam ko na hinding-hindi tayo maghihiwalay!”
-Mary Chua
11/23/1984

Dahil dito napaiyak si Amy.
“Umiiyak nanaman si ate.”
Tinignan pa nila lahat ng nasa album. Mga nakalipas nuong dalawang dekada na ng nakakaraan. Dito nila nakita ang mas maraming litrato ng magkaibigan.
“Wow ang sexy pala ni Mrs Silva nuong kabataan nya,”wika ni Bert.
“Di ba matandang gurang na yan,”sabi ni Jake.
Pasimpleng bilulsa ni Rj ang litrato. “Yes,may pag nanasahan na ako mamaya.
Nagpaalam na ang tatlo kila Amy. Hiningi si Rj ang isang picture,kinupit naman ni Bert ang kay Mrs Silva….

“Rj,napapagod na ako. bakit hindi nalang natin puntahan ang mismong bahay nila Mary Chua,”wika ni Jake. Nasa gilid sila ng kalsada,naghihintay ng masasakyan. Napakainit ng araw.
“Hindi mo ba narinig. Pagkatapus malaman ng mga parents ni Mary ang nangyari sa kanya. Hindi na ito nagpakit. Balita daw ay pumunta na ito sa America.
May humintong maingay na bus na tapat nila. sumakay sila.
“Sa Makati? Ano naman ang gagawin natin dun!”
“Gigimik tayo.”
“Tanga.”
“Bobo.”
“Inutil”
“Mang-mang.”
“Suail.”
“Hampas lupa.”
“Walang alam.”
“Tumigil nga kayo. Pupunta tayo sa isang kabarkada ni Mary. Malapit na nating malaman ang kasagutan.”
Sa makati ay halos malula ang 3 sa nagtataasang mga gusali. Nagtungo sila sa isang hospital duon.
“Ah,miss may kilala po ba kayong Mina?”
“Sinong Mina?”tanong ng nurse.
“Ahmmm,Mina lang po kasi ang alam namin.”
“Baka si Doctora ang hinahanap nyo?”
“Ito pala yung picture nya nuong highskul pa sya. Baka makilala nyo.”
“Tama si Dr. Garcia nga to,”wika ng nurse.
Abala sa pagsusulat ng importanteng bagay si Mina. Isa na syang doktor. Nagkatotoo nga ang kanyang pinapangarap. May kumatok sa pinto. Pumasok ang isang nurse.
“Dr. Garcia,may naghahanap po sa iyo sa labas.”
“Sige patuluyin,”wika ni Mina na patuloy sa pagsusulat.
Pumasok na ang 3. Medyo nahihiya pa.
“Oh ano ang saket nyo?”tanong ng doktor.
“Si Jake,Bakla.”
“Si Rj,duwag.”
“Si Bert,malibog.”
Tumingin ang doktor sa 3. “Kayo ba’y niluluko nyo ako. Pwede na kayo umalis”
“Ay hindi po,nandito po kami para may gustong itanong sa inyo,”wika ni Rj.
“Ano ang itatanong nyo.”
“Ah eh,Kayo po ba si Mina?”
“Oo,ako nga.”
Nagkatinginan ang 3. “May alam kayo diba tungkol kay Mary Chua?”tanong ni Jake..
Dito napahinto ang sa pagsusulat ang doktok. Dahan dahan tumingin ang sa tatlo. Bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Hindi nya aakalain na babalik pa sa kanyang alala ang bagay na yun. “Anong alam nyo tungkol sa kanya?”tanong ni Mina.
“Kami po studyante sa Manila University. Hindi po kasi matahimik ang kaluluwa nya,kaya pinasya naming itong alamin…nga pala po may dala po kaming ilan sa mga larawan nya nuon,”pinakita ni Bert ang larawan kay Mina. “Sya po ba yan. Nakikilala nyo ba ang babae sa larawan?”
“Oo. Si Mary Chua nga ito.”
“Kung hindi nyo lang mamasamain eh, gusto po sana naming magtanong sa taong yun,”wika ni Jake.
Titig na titig ang doktor sa litrato ni Mary Chua. “Dok,ano po ba ang alam nyo tungkol sa kanya.”
“Kung hindi nyo lang nalalaman. Isa ako sa mga matalik na kaibigan ni Mary nuong highskul. Lagi kaming magkasamaa kung saan kami pamunta. Kaming tatlo ay puno ng ligaya at saya. Lagi kaming nagdadamayan kung may problema. Mga sekreto namin ay kami lang ang nakakaalam. Alam namin ang iniibig ng isat-isa sa amin. Si Mary,sya na ata ang ang taong nakilala ko na punong puno ng pangarap,”wika ni Mina na maluha luha.
Dito na nabuhayan ang tatlo. Matalik na kaibigan pala ni Mary ang nakaharap nila. Dito ang pagkakataon na magtanong.
“Ito po ang malaking kuntrobersyal na kwento sa aming skul na pasalit-salit na. matagal na ang kwentong ito. dito na naming nalaman na totoo ang tungkol sa kwentong iyon,”sabi ni Bert.
Tumingin si Rj sa mata ni Mina. Gusto na nyang malaman na “Bakit po namatay si Mary Chua?”mabilis na tanong nito.
Napatigil si Mina. Yun ang bagay na iyon ang tumatak na sa kanyang isipan. Ayaw na nyang maalala pa ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto na nyang makalimutan iyon. Tumingin sya sa bintana,tumayo at sinara iyon. Medyo dumilim na ang paligid. Naupo ang doktor at huminga ng malalim. Tinignan nya ang 3,halata na gustong makinig sa ikkwento nya…..tumahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng airconm ang maririnig.
“Gusto nyo talaga malaman ang tingkol sa kanya”wika ni Mina. “Tulad din namin kayong 3 dati. Laging magkasama. Barkada. Tunay na kaibigan. Sikat na sikat si Mary sa buong Manila University. Wala ng makakpantay sa kanya. Sya ang paburito ng lahat. maraming lalake ang nanligaw sa kanya isa na duon si Oliver. Si Oliver ay bagong lipat lang nuon sa unibersidad. Tahimik,walang kasama,wirdo ang tingin ng karamihan sa sa kanya. Isang araw nanligaw ito kay Mary. Sa lahat ng manliligaw,tanging si Oliver lang ang pinaka matyaga. Lahat ng gusto ni Mary ay binibigay agad-agad ni Oliver. Lahat ginagawa nya para kay Mary. Mahal na mahal nya talaga ang kaibigan namin. Sinabi ni Mary kay Oliver na hindi pa sa kanya pwede mag nobyo,sasagutin lamang nya si Oliver kung magagawa nyang maghintay. Pero hindi makayanan ni Mary ang awa sa manliligaw. Ayaw nyang pahintayin si Oliver ng napakatagal na panahon. Sinagot nya ito. Naging sila ng maraming bwuan. Sa una ay walang problema sa kanilang relasyon. Masaya sila sa isat –isa. Pero dumating ang panahon na tila nagbago ang ihip ng hangin. Hindi na nagpapansinan ang dalawa. Hindi na sila magakasama o magakausap manlang. Dito na inamin saamin ni Mary na hindi na nya mahal si Oliver. Parati daw silang nag-aaway. Naging hindi maganda ang kanlang pagsasama. Minahal lang pala sya ni Oliver dahil sa kanyang katawan. Hindi ito ginusto ng aking kaibigan. Gusto na nyang makipag break kay Oliver pero hindi nya ito sinabi sa kanya. Gusto nya na mahalata nalang ito ni Oliver. Hindi lang pala ang si Oliver ang nagpatibok ng puso nya. Si Ricardo. Si Ricardo ay isa sa mga matagal ng studyante sa Manila University. Kilala na sya ni Mary simula grade 1 pa. mahal ito ni Mary pero medyo may pagkamanhid ang binata. Naging magkaibigan ang dalawa at naging malapit sa isat-isa. Hanggang sa isang araw nalaman nalang namin ni Amy na sila na pala ni Ricardo. Kumalat ang balita ng kanilang pagsasama sa campus. Mas higit na mas sweet pa ang dalawa ikumpara sa relasyon nila ni Oliver. Tumagal rin sila ng buwan………. Hanggang isang araw. May malakas na bagyong dumating. Nasuspende ang lahat ng klase. Kaming 3 ay naiwan sa klasroom ng IV-Rizal. Hinihintay naming tumila ang ulan. Inabot na kami duon ng gabi. Napansin naming dalawa ni Amy na parang nawawala si Mary. Nagpaalam lang sya saamin na magbbanyo lang sya. Hindi na namin sinamahan dahil sinabi nya. Malamang may problema iyon kaya hinayaan nalang namin. Pero isang oras na ang lumipas,hindi pa nakakabalik si Mary. Inakala naming nakauwi na sya pero sa lakas ng bagyo imposible na makauwi sya mag isa. Hinanap namin sya sa ikatlong palapag ng gusali. Sa girls cr……….” Napahinto si Mina sa pagkkwento. Bigla syang napaluha. Ginagat nya ang kanya ang kanyang kamao para magawa nyang pigilin ang namumuong luha.
“Sige pa po. Ituloy nyo po,”wika ni Rj. Si Jake naman ay seryuso paring nakikinig pero si Bert ay kanina pa nakatulog…
Uminom ng malamig na tubig si Mina bago nagpatuloy. “Malakas parin ang bagyo nun. Pinasok nami
n ang girls cr. Napakatahimik ng buong paligid. May nakita kaming patak ng dugo sa sahig. Sinundan namin yun. Binuksan namin ang isang cubicle. Duon kami subrang nagulantang saaming nakita. nakabigti si Mary,duguan ang kanyang ulo at damit. Puro dugo. Puro dugo sa paligid. Halos naligo si Mary sa sariling dugo. Kulay pula…kalat-kalat ang dugo. Mapasigaw kami sa takot. Sa subrang pagkagulat ay nawalan ng malay si Amy,tulala lang ito. hindi ko alam ang gagawin. Sumigaw ako ng sumigaw. Humihingi ng saklolo. Umiiyak na ako. Buti nalang may nakarinig. Pumasok sa cr ang isang guard. Kahit sya ay nagulat sa nasaksihan. Kinuha sya si Mary at inalalayan ko naman si Amy. Dito. Dito rin sa hospital na ito dinala si Mary. Hindi na sya inabutan ng buhay. Napakalaki ng basak sa kanyang ulo. Naubos na raw lahat ng kanyang dugo. Patay na si Mary,”
Nanlaki ang mata ni Rj sa narinig na kwento. Napaka brutal pala ng pagkamatay nito. Hindi nya aakalain. Nakadama sya ng awa,takot,at galit. Galit kung sino man ang taong gumawa sa kanya ng ganun.
“Sa pamilya po ni Mary?”
“Iyak ng iyak ang magulang ni Chua lalo na ang kanyang ina. Hindi nila matanggap ang nangyari sa kanilang anak. Sa kanyang burol ay lahat ay nakiramay. Buong Manila University ay pumunta. Kitang kita ko ang pighati ng mga kaanak ni Mary,”
“Nubyo nya po si Ricardo. May balita po ba kayo sa kanya pagkatapus ng inssidente?”
“Meron……..masama rin ang kanyang sinapit nabalitaan na nagpakamatay raw ito. Pero lumalabas sa na hindi sya nagpakamatay,may pumatay sa kanya. Hindi natukoy kung sino ang susupect. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Ilog Pasig,”paliwanag ng doktor.
Ngayon ay maliwanag na sa 2 maliban lang kay Bert ang nangyari ng pagkamatay ni Mary Chua. Pero malaki paring misteryo kung sino naman ang gagawa nun sa kanya.
“Napasadya narin po kami dito. Gusto kong ibigay nalang ito sa inyo bilang ala ala sa nawala nyong kaibigan,”binigay ni Rj ang litrato kay Mina. Isang larawan na hindi makakalimutan ni Mina. Ang kuha nila nuong gabi na nasa luneta sila. Nangmakit ito ni Mina,halos napaluha sya. Naalala nya lahat ng pinagsamahan nila. ang nakaraan nuong kumpleto pa sila. Uiyak na ang doktor. Hindi narin mapigilan na maiyak ni Rj. Baka maging ganyan ang mangyari sa pagkakaibigan nila.

: “Para sa mga tunay kong kaibigan,alam ko na hinding-hindi tayo maghihiwalay.”
-Mary Chua
11/23/1984



Chapter 12:


Tondo,1984………..
Napaka lamig ng hangin ng gabing iyon. Mahamog sa bawat lansangan. Basang basa pa ang simento dahil sa katatapus lang na pag-ulan. May lamig pa ang hangin nanglakarin ni Ricardo ang bawat kalye sa Tondo. Kaunti lang ang mga dumadaang sasakyan. Kakaunti nalamang ang nakikitang taong dumaan. Dis-oras ng gabi pero ano ang ginagawa ni Ricardo sa labas? Makikita sa kanya ang pagluha ng kanyang mga mata. Nagdudugo ang kanyang puso. Sa oras na iyon ay nagunaw na ang kanyang mundo. Malalim ang kanyang iniisip habang sya ay naglalakad. Ang kanyang talampakan ay basa na ang putik ng squater. Patuloy sya sa paglalakad. Dito nya nasalubong si Tisoy,ang kapit bahay nila.
“Oh pre,madaling araw,nasa labas ka. Anong problema?”ani ni Tisoy.
Masamang tumingin si Ricardo sa kanya. “Buti ba,wag ka humarang sa dinadaan ko!”masamang bati nito.
“Oh cool ka lang tol,”binigyan nya si Ricardo ng madadaan. Nagpatuloy sya sa paglalakad,ngayon ay mas mabilis pa.” hinibol naman ito ni Tisoy. “Pre,ano ba kasi problema mo?!”
“Pwede ba wang kang mangealam sa sa usapang ito! Sumunod ka pa kung gusto mo nang mawala sa mundo!”galit na galit wika ni Ricardo. Halos mapasigaw ito sa galit.
Biglang nanibago si Tisoy. Hindi ganun ang pagkakakilala nya sa kanyang kapitbahay. Hindi nalang nya sinundan si Ricardo.



Sa gilid ng mataas na tulay tumungo si Ricardo.
“Oh mahal ko. Bakit mo ako iniwan. Hindi ko kayang mabuhay pa sa mundo kung wala ka ng. kung nasaan ka man,susundan kita. Gusto ko nang wakasan ang buhay kong ito. wala ng silbi…wala ka na. Buong buhay ko,nilaan ko sa iyo,”tatalon na sana si Ricardo na may narinig syang palakpak sa kadiliman. “Sino ka? magpalita ka.”
Lumabas ang isang binata sa kawalan. Nakangiti ito at patuloy sa pagpalakpak.
“Oliver??,ano ang gingawa mo rito.?
“Hahahaha. Pag-ibig nga naman, lahat gagawin masunod ka lamang.”patuloy sya sa pagpalakpak
“Anong ibig mong sabihin?”tanong ni Ricardo.
“Tama nga, nagiging tanga ang taong tinamaan ng pana ni cupido. Nagiging mangmang sa ano ang iniisip. Minsan hindi na nya alam ang kanyang gingawa. Bilib naman ako sa iyo Ricardo,sa kabila sa nangyari ng nubya mo,magagawa mo pang magpakamatay para sa kanya. Dapat sa iyo ginagawan ng Rebulto,”natatawang wika ni Oliver. “Wag ka mag alalala. Pag patay ka na,susunod kana sa rebulto ni Rizal.”
Hindi parin maintindihan ni Ricardo lahat ng sinasabi ng kaharap.
Lumapit si Oliver sa mukha ni Ricardo. At bumulong ng……….. “Alam mo,ang sarap ng puke ng nubya mo,”nakangiti nitong wika.
“HAYOP KA BAKIT MO SYA PINATAY!!!!!!!”sabay malakas na suntok ni Ricardo para kay Oliver. Sa lakas ay napatumba ito.
Pinilit ni Oliver makatayo. Dumugo ang kanyang nguso…pero nagawa pa nitong ngumiti. Pinit nyang makaganti kay Ricardo. Mabilis syang lumusob at malakas din na sinuntok nya ang mukha ng kalaban.
Palitan sila ng malalakas na sapak at sipa. Kumuha si Oliver ng malaking kahoy,pinokpok nya sa ulo ni Ricardo pero naka iwas ito. sinipa ni Ricardo si Oliver sa dyan. Ininda nya ang sakit.
Palitan sila ng malalakas na suntok,sipa,tadyak,buntal. Halos maghilamos na sila ng sariling dugo. Pagulong gulong sila hanggang nalaglag sila sa lugar kung saan ay maraming salamin.
“BLAG!!!!!!!!”
hindi na makatayo ang dalawa. Parehas silang duguan at may malalaking pasa sa katawan. Pinilit ni Ricardo makatayo pero bumagsak ito. Sa halip,nagawa ni Oliver ang makatayo. Kumuha sya ng isang mahabang bubug.
“O-Oliver,”wika ni Ricardo sabay suka ng dugo.
“Hehehehe. Sa ngayon Ricardo, matutupad na ang kahilingan mo. Makakasama mo na si Mary Chua. Hahahahaha.”
“Walang ka kasing sama,”galit na wika ni Ricardo.
Nakangiti parin si Oliver. Tila masaya pa ito sa kanyang ginagawa. “Akala ko ba kaibigan mo ako?,bakit mo inagaw ang babaeng naging parte na ng buhay ko! Magsama-sama kayo sa impyerno!”sabay sipa sa tagiliran ni Ricardo. “Pero ngayon, magsasama na kayo sa impyerno!”
Walang awang panagsasaksak ni Oliver ang bawat bahagi ng katawan ni Ricardo. Sa subrang galit ay hindi nya ito tinigilan sa pagsaksak. Saksak sya ng saksak. Halos hindi mabilang na saksak. Saksak saksak saksak. Walng humpay sa pagsaksak. Maghiwa-hiwalay na ang katawan ni Ricardo sa subrang dami ng saksak. Napagod na si Oliver. Huminto na sya. Tinapun nya ang bangkay sa ilog pasig. “Ikamusta mo nalang ako sa kanya,”masayang pamamaalam nito.


Hindi makatulog si Rj ng gabing yun. Naiisip parin nya lahat ng kinukwento ni Mina sa kanila. pilit nyang makatulog pero hindi pa sya dinadalaw ng antok. Dahil sa gumugulong isipan, binuksan nya ang maliit na ilaw na kapatung sa study table nya. Bagbukas ay nandun parin ang mga magugulong gamit. Mga di pa tapus na assignment. Kumuha sya sa drower. Kinuha nya ang ilan sa mga litrato ni Mary Chua na kanya pa nyang hiningi kay Amy,
“Sino naman kaya itong kasama ni Mary sa isang litrato?”tinignan rin nya ang likod ng larawan.


-Ricardo

Ikinabigla ito ni Rj. Naalala nya ang kikwento ni Mina. “Si Ricardo pala ang kasama nya dito. Ito pala ang kanyang nubyo. Eh sino naman ang isang kasama nya sa isang larawan?” kinumpara nya na mabuti ang dalawa. “Sa litrato nila ni Ricardo,makikita na natural ang ngiti ni Mary,ikumpara sa isa na parang napipilitan lang sya sa kasama. Kung si Ricardo ang isa,Eh sino naman itong isa pang katabi nya?”hindi nya makilala dahil kupas narin ang larawan dahil sa katagal. “Marahil………………………..hindi naman siguro,”pinatay na nya ang ilaw. Tumungo sa kama at hinanda na ang sarili sa pagtulog. Pinikit ang mata at matutulog na,magigising sa pagsikat ng araw kinabukasan……….



“BOOOOOOOM!”isang malakas na kulog. Malakas ang ulan ng gabing iyon. Hindi malaman ni Rj kung bakit sya nasa skwelahan ng gabing yun. Nakakatakot ang paligid. Walang katao tao. Madilim. Lumiliwanag lamang dahil sa mabilis na kurap ng kidlad. Hindi nya maunawaan kung kung ano ang sadya nya sa lugar na iyon. Inakap nya ang kanyang sarili. Napakalamig ng hangin na tumatama sa kanayang mukha.
“May tao ba dyan?”paninigurado ni Rj. Umeko ang kanyang buses,umabot hanggang sa ikadulo ng corridor. Naglakad sya. Patuloy parin ang buhos ng malakas na ulan.
Pumasok sya sa girls cr. Hindi nya alam kung bakit,basta nalang sya pumasok.
“Blag,”may pumasok na isang napaka gandang dilag. Makikita sa mukha ng babae ang subrang pagkatakot. Malalim ang bawat paghinga nya…
“Miss,baket ano ang problema?”tanong ni Rj pero hindi sya pinansin ng babae. Para lang syang hangin…
Maya-maya,may pumasok rin na isang galit na galit na lalake. “Tol,ano ba ang nangyayari?”hindi parin pinansin si Rj.
Bigla nlamang sinakal ng lalake ang babae,kinagulat ito ni Rj,pilit nyang awatin ang lalake pero wala syang magawa. Parang humahawak rin sya sa hangin. “Ano ba ito? ano nangyayari?”
Dito nasaksihan ni Rj ang pagkamatay ni Mary Chua. Wala syang nagawa kung hindi panurin lahat ng nagyayari. Nakita nya ang kawawang nakabigti si Mary Chua. Halos mahimatay sya sa ngayari. Kahit sya ay naging saksi sa gabing yun.
“BOOOOOM!”kinagulat ito ni Rj


Nagising si Rj. Pawis na pawis. Hinihingal sya. Isa lamang palang masamang panaginip. Madilim parin ang kapaligiran. Tumingin sya sa kanyang cp para malaman ang oras. Maaga pa,2:45 palang ng madaling araw. May txt sa kanyang cp.
Ito ay para kay Jake, :Tol ang sma ng npginipan ko.
At ito naman ang txt ni Bert, :Ayus ang gnda ng napaginipan ko,may bold..


Binagsak nalamang ni Rj ang kanyang katawan. Pasalamat at panaginip lang ang lahat.
“Hindi parin ako makapaniwala tol,biruin nyo,iisa lang ang panaginip natin sa isang gabi?”pagtataka ni Bert. Katatapus lang nun ng klase. Break time nila.
“Tara sa library,may hahanapin tayo.”
“Ano ba Rj,napapagod na kami, pwede,hayaan nlang natin yang si Mary chua na mag multo sa campus?”wika ni Bert sabay tungo sa kanyang kina uupuan.
“Oh sige bahala ka dyan mag isa mo….tara Jake,iwanan na natin yan. Multohin ka sana.”wika ni Rj kay Bert.
“Sige bahala kayo. Tinatamad na ako. Basta ako,matutulog lang dito,”pansin nya na tumahimik ang paligid. Wala na palang tao sa klas room. Sya lang ang naiwang studyante. Ang lahat ay nakalabas na..dito nakadama ng takot si Bert. “Hoy Rj wag mo ako iwan dito!!!”patakbong lumabas agad ng klass room.


chapter 13:





“Best,best,best,best. Lahat na ata ng best ay nakuha na ni Mary Chua,”wika ni Jake na nakatingala. Tinitignan ang mga sertificate na nakasabit sa dingding.
“Sayang napakatalino panaman nya.”
“Higit sa Lahat,sexy pa.”
“Ano ba Bert,libog mo.”

Tumungo naman ang 3 sa labas. Sa ibabaw ng puno ng mangga ay nghukay si Jake.
“Jake,ano ba ang hinuhukay mo dyan.wala namang kayamanan dyan,”wika ni Bert.
“May napaginipan rin ako kagabi. My nakita akong babae na napaka ganda ang tinuturo ang parteng to. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin nun, pero alam ko na may nakatago rito,”Wika ni Jake na patuloy sa paghuhukay.
Hanggang sya ay may ruon ng nahukay. Isang kinakalawang natubo. Kahit puno na ng kalawang ay bakas parin ang dugo dito. Ito ang ginamit na pangpatay kay mary.
“Hindi nagpakamay si Mary,pinatay sya!”
“Pero sino. Sino ang pumatay?”
Malayo ang tanaw ni Rj,malalim ang kanyang iniisip. “Alamin natin yan,”nakangiti nitong wika.



MCJ(Manila City Jail) 2003…………………..
Ito ang lugar kung saan nakakulong si Oliver. Nahuli sya dahil sa paggamit ng bawal na gamot at sangkot rin sya patanay na naganap sa pasay.
“Oliver,”tawag ng pulis, “Lumabas ka dyan,tawag ka ni Warden”
Bumangon ang isang lalake sa ibaba ng doble deck na higaan na nasa gilid lang ng luob ng selda. Wala syang damit pangtaas. Makikita sa kanyang dibdib ang tatong nakalagay na :Mary Chua 84. May kagisigan na ang kanyang kawan. Malaki ang pinagbago nya pero hindi parin nawawala sa kaya ang matamis nitong ngiti. “Tawag ako ni Warden,baket lalaya na ba ako?”
Binuksan ng pulis ang selda. “Basta sumunod ka nalamang.”
Kasama ni Oliver ang dalawang pulis sa kabilang gilid lang nya. Ang kanyang kamay ay nakapusas. Hindi nya alam kung ano ang kaylangan sa kanaya. Hindi parin nya nakakalimutan ang ngumiti. Bawat dinadaang selda ay sinisigaw ang kanyang pangalan ng kapwa nya kapreso. Ganito kasikat si Oliver. Matagal na syang nakakulong dito.
“Warden,nandito na ang inuutos nyo,”
Humarap ang matabang pulis na kanila lang ay nakatalikot. “Oliver,”wika nito kabay hithit ng tabako.
“Hehehe,Warden,matagal na ang pinagasamahan natin sa lugar na ito. kaibigan na ang turing ko sa iyo.”
“Oo,kaibigan. Pero ngayon ay hindi na ata tayo magkikita.”
“Baket,lalaya na ba ako?”
natahimik ang warden at napapikit.
“Hahahahahaha,sabi ko na ba,hindi mo ako matitiis kaibigan. Makakalaya na ako. Hahahahahahahahahahahahaha,”malakas na halakhak nito.
“Mali ka. Dyan ka nagkakamali.”bahagyang napaisip si Oliver. “May kilala ka bang, Mary Chua at Ricardo Calubayan?”tanong ng warden na matalim ang titig kay Oliver.
Biglang nagulat ang preso. Tulala ito at pawis na pawis. Hindi sya mapagsalita.
“Pinasya ng kurte na binatyin ka bukas. Patawad kaibigan,hindi ka makakawala sa batas. Akoy nasunod lamang. Paalam kaibigan. Hindi tayo magkikita……”
Nag wala si Oliver. Mag wala man sya ay wala na syang magagawa. Tangapin na lamang ang katotohanan. Ang matagal na sikreto na kanyang kinatatago ay lalabas din pala.

Chapter 14:

“Rj,ano nanaman ang kalokohang ito? bat tayo narito sa skul ng ganitong dis oras ng gabi. Badtrip naman oh,alam mo may lakad pa kami ng syota ko,”wika ni Bert
“Wag kayo maingay baka marinig tayo ng guard,tinawag ko kayo para mag ghost hunting. Gusto ko makausap si Mary Chua.
“Rj,umuwi na tayo,gabi na oh. Baka malaman ni mama na tumakas pa ako sa bahay. Lagot ako nito,”sabi ni Jake habang nag kakamot ng mata. Halata na sya ay naantok na.
Binuksan nila ang kani-kanilang mga flash light. Nag simula na silang mag lakad. Iniilawan nila ang bawat suluk ng klasroom. Paniwala na may makikita silang multo. Nakakatakot ang katahimikan ng paligid. Mga nakaraang pilit tinatago ng panahon.
Biglang “Blag!”,isang ingay sa kalayuan. Kinagulat ito ng 3.
“Ayun,dun tayo dali!”wika ni Rj,sabay takbo sa lugar na pinagmulan ng ingay.”
“Wala naman dito eh. Pusa lang yun oh daga.”hingal na wika ni Jake.
“Tara na umuwi na tayo,wala naman tayo mapapala rito. Hindi natin makita ang sinasabi mong multo…tara na Jake,”wika ni Bert.
Nabigo si Rj,hindi nya nakausap ang kaluluwa ni Mary,ngunit,pag tapat nila sa pintuan ng music room ay bigla namang silang may narinig na may tumutogtug ng piano.
“May tumutogto.”
“Nang ganitong dis oras ng gabi?”
“Sino man kaya yun.”
Nag taka ang tatlo. Sinilip nila ang pintuan kung saan ay makikita ang loob ng silid. Patuloy parin ang pagtugtug ng piano. Napakadilim sa loob,animoy walang tao. Pero sino ang nasa loob at gumagamit ng piano?
“Alam ko ang kantang yan!”wika ni Jake. “Ang pagkakaalam ko ay highskul life ang tittle ng kantang yan.”
“Pero sino naman ang tumutogtog?”
Saglit na huminto ang musika. “Bakit huminto?”. Humangin ng malamig sa paligid……
Sa kalayuan ay makita silang babaeng nakaputi. Nakatingin din ito sa kanila. hindi nakatapak ang kanyang mga paa sa sahig. Lumulutang ito papalapit sa kanila. Ito ay kinatakutan ng magkakaibigan,hindi nila alam ang gagawin. Sa takot ay pasigaw na tumakbo sila sa corridor.
“Grabe tol,hindi ako makapaniwala sa nakita natin. Natatakot ako sa tuwing nakikita ko si Mary,grabe. Hihimatayin ata ako kanina.”
“Rj,ang tapang mo kanina. gusto mo kausapin ang multo pero nang sumulpot na,mas nauna ka pang napatakbo saamin.”
“Eh,hindi ko naman na mag papakita sya ng ganung nakakatakot. Hindi pa ako sanay dun.”
“Anong plano mo kung gusto mo kausap si Mary?”wika ni Bert.
Napaisip rito si Rj……. “Alam ko na!...alam nyo ba ang tungkol sa ouija?”
“Eh sino naman yun?”
“Tanga,yun yung kinakain natin tuwing umaga!”
“Parahas kyong mali, ang ouija ay isang board na ginagamit sa spirit of the glass para makipag usap sa mga spiritung ligaw,”paliwanag ni Rj.
“Oo alam ko na. Pero teka,teka, saan tayo makakakita ng oui-ouija na yan?”
“Kila Flora!”sagot agad ni Jake. “Alam ko nuong 2nd diba nabalitaan sa campus na nag spirit of the glass sila? Dun. Pwede tayo humiram sa kanila.
Kinabukasan,nagpunta sila sa bahay nila Flora. Pinapasok naman sila sa kanilang bahay.
“Ano ang kaylangan nyo at bigla kayong napasugod dito? May problema ba?”tanong ng dalaga.
“Ah wala naman. Itatanong lang namin yung nangyari nung 2nd year pa tayo,”wika ni Rj. “Totoo bang nagamit nyo ang ouija board?”
“Ang ouija bard? Oo nagamit nga namin yun. Pero dun namin nalaman na delakado ang larong iyon. Isa kasi saami ay nawalan ng malay ng isang isang linggo. Simula nun,hindi n namin linaro ang ouija board. Bakit nyo pala naitanong?”
“Kung pwede lang saiyo ay hihiramin lang namin yun ng saglit. Isang gabi lang,”pakiusap ni Rj.
“Hindi na kasi pwe-.”
“Hindi Flora,kung pinahiram mo ang ouija board,hindi na kita kukulitin sa skul,”wika ni Bert.”
“Pero hindi nga pwede. Hindi nyo alam kung gaano kadelekado ang pakikipag usap sa spiritu sa spirit of the glass,”wika ng dalaga.
Nalungkot ang 3 lalo na si Rj. Nawalan na sila ng pag-asa. “Sige aalis na kami. Ikaw nalang ang alam naming maasahan dito. Salamat nalang.”
Aalis na sana sila Rj nang biglang nagbago ang isip ni Flora. “Teka, oh sige papahiramin ko sa inyo ang ouija.”
“Talaga? Maraming salamat. Sabi ko na ba na hindi mo kami matitiis.”
“Papahiramin ko nga sa inyo ngunit may kundisyon.”
“Kundisyon?”
“Sasama ako sa pag gamit ng ouija. Alam ko kasi kung paano mag tawag ng spirito.”
“Tamang-tama,kaylanagn ka pala namin kung ganun.”
“Kaylan nyo na gagamitin?”
“Kung pwede ngayon nang mamayang gabi sa skul,sa alumia room. kita,kita nlang tayo dun mamayang saktong 12 ng gabi.”
“Sige txt ko nalang kayo.”
“Saka pag katapus ay tayo naman ang mag lalaro sa dilim,”pabiro ni Bert. Nginitian na lamang ito ng dalaga. Kilala na nya si Bert.
Gabi na. malamig ang gabi. Maliwanag na ang bilog na bilog na buwan. “Ang tagal naman nila Flora. Mag 12 na,wala pa sila. Dami pang lamok dito. Hindi pa ba sila nag ttxt?”
(Tumunog ang cellphone ni Jake)
“Oh ito na. Nag txt na sya. Malapit na daw sila. Dala nila ang ouija at kasama sila Kat at Joy.”
“Kasama si Kat,ang gf ko!”
“Pwede ba tumahimik ka nga Bert,nakakabulabog ka sa mga natutulog.”
“Talaga itong si Rj,wala ka pa kasing gf.”
Sumagot naman si Rj. “Eh hindi katulad mo na malibog na at 3 pa ang sabay na gf. Ang play boy mo.”
“Inggit ka lang.”
“Oh wag na kayo mag away na dalawa,nandito na sila,”wika ni Jake.
“Hi,”bati ng 3 pang dalaga.
“Hon,akala ko ba,nasa bahay ka lang. bat sumama ka pa rito?”sabi ni Bert kay Kat.
“Eh kasalanan ko ba kung niyaya ako si Flora. Wlang namang masama. Saka hindi ko rin alam na narito ka.”
“Hon talaga may tampo pa saken.”
Tumingin si Rj kay Flora. “Maraming salamat,tinupad mo ang usapan natin.”
“Wala yun. Alam ko kasi na kaylangan nyo ito. para makatulong narin ako sa inyo.”
Tumabi naman si Joy kay Jake. “Uy Jake,musta na?”
Unti-unting lumalayo si Jake. “Napakatorpe mo naman Jake,bat ka ba nalayo saken? Mabaho b ako? hindi naman kita kakainin ha,”wika ni Joy.
“Ah eh. Wala. Medyo kasi hindi ako sanay na tinatabihan ng babae,”sagot ni Jake sabay ayus ng salamin sa mata.
May lamig rin ang hangin. Ang mga kuliglig ay gumagawa ng ingay.
Nagpunta na sila sa pintuan ng alumnia room. sarado parin ang malaking pintuan. Wala ng pasukan maliban lamang sa bukas na bintana ng gusali.
“Sarado,paano tayo makakapasok?”wika ni Kat.
“May paraan para makapasok,”sagot ni Rj. “Bert,umakyat ka sa bintana,sa loob ay buksan mo ang pinto.”
“Ako? aakyat at papasok mag isa dyan mag isa?” ang dilim kaya dyan sa loob. bat di ka nlang ang umakyat,ano ako,utuasan?”
“Pls Hon,umakyat ka na. Pls, sige mamaya,may premyo ka saken,”panlalambing ni Kat.
Dahil dito ay ginanahan ang binata. “Oh sige,aakyat ako sa punong ito. makikita nyo,mabilis ko itong maakyat.” Ganun nga. Mabilis na inakyat ni Bert ang puno papasok sa bintana ng alumnia room. pero sa labis na pag yayabang ay inakyat pa nito ang pinaka tultok ng puno. Sa tuktok ay nagmalaki pa ito. biglang…………
“Krrrrrrrrrrrrak,”patay. Nabali ang sanga na tinatapakan ni Bert. Nahulog sa sya mulo sa pinaka itaas ng puno. “AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!”mataas ang kanyang kinabagsakan. At ang kanya nanamang kinahulogan ay………
“Pwe sa tae nanaman ng aso!”
Nakapasok na ang 6. Halata sa kanila ang takot lalo na sa mga kababaiha. Hawak-hawak nila ang braso ng knilang mga kasamang lalake. Tuwang-tuwa naman dito si Bert dahil sumasagi ang malusog na dibdib ni Kat sa braso nya. “Wow,nakakpanigas,”sa isip-isip ng malibog na si Bert.
Madilim nga sa loob. Ang liwanag ng buwan ay hindi nakakapasok sa kwarto. Sa gitna ay umupo sila ng pabilog. Sisimulan na nila ang spirit of the glass. Sinindihan nila ang itim na kandila at tinirik sa gitna nila upang maging gabay narin sa liwanag. Nilapag na nila ang mahiwagang ouija board.
“Sigurado na ba kayo sa gagawin natin?”tanong ni Flora. “Itong seremoniang gagawin natin ay hindi biro. Pwede isa saatin ay masanabiban o may mangyaring masama. Tanong ko sa inyo,ipagpapatuloy pa ba natin to?”babala ni Flora.
“Ayus lan ang lahat.”sagot ni Rj.
Alasdose na ng madaling araw. Sakto. Oras na…..
Pinikit nila ang kanilang mga mata. “Kahit ano ang maramdaman nyo,marinig o makita,tandaan nyo na wag na wag kayo mag papakita ng takot.”
“Om nalang gna nidnus tignalasamus gniman ama……”dinasal ni Flora ang amanamin ng pabaliktan ng 3 beses. “Spirit of the glass,narian ka na ba? Magparamdam ka.”………………..walang nangyari. Hindi umandar ang baso kung saan ay ang kanilang mga daliri ay magkapatong.
“Ano ba yan,wala namang nangyayari,”wika ni Joy. Naiinip na sya. Halata parin ang pagkatakot.
Maya-maya pay may narinig silang yapag ng paa. Imposible. Silang 6 lang sa kwartong iyon. Lahat sila ay nakaupo. Sino ang nag lalakat palibot sa kanila. Dito na natakot ang lahat. Si Kat ay pinipili ang bibig na sumigaw.

“Mary Chua,narian kana ba?”tanong ni Flora.
Umandar na ang baso. Hindi makapaniwala ng iba. Tumapat ang baso sa bilog na “no”.
“No?......kung hindi ka si Mary Chua,sino ka?”
R-I-C-A-R-D-O
“Ano raw? Masyadong mabilis,”wika ni Bert.
Umandar ulit ang baso. R-I-C-A-R-D-O
“Ang bilis hindi ko mabasa.”
R-I-C-A-R-D-O
“Ano ulet?”
T-A-N-G-A*B-O-B-O
“Luko rin ang multong ito ha.”
“Hindi ka si Mary,saan sya ngayon?”
K-A-S-A-M-A*N-Y-O*N-G-A-Y-O-N*S-Y-A
Humahangin ng malakas. Ang mga libro ay nagliparan sa paligid. Namatay ang maliit na kandila na tanging ilaw nila. malakas ang hangin. Sa takot ay nagyakapan ang 6. ang kaninang madilim ay lumiwanag na mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Nakita nila ang 2 tao na nakalutang sa hangin—si Mary at si Ricardo. Puting puti ang kanilang suot. Makikita sa mukha ni Mary ang kanyang kagandahan. Hindi na sya nakakatakot. Isa na syang anghel.
“Nakakasilaw! Ano bang sabon ang ginamit na pang laba sa damit nyo?”tanong ni Bert habang tintatakpan ang mga mata.
“Tide is Tide!”sagot ni Ricardo.
Nakangiting nag paalam si Mary Chua at nagpasalamat. “Maraming salamat sa iyo. Ngayon ay matatahimik na ako. makakasama ko na ang mahal ko sa buong ikalaang buhay ko. Maraming salamat sa iyong 3 at sa mga iba pang tumulong. Paalam sa iyo. Ikamusta nyo nalamang ako kila Amy at Mina. Paalam ulit at sa muling pagkikita,”binuka ni Mary ang kanyangmalaking pakpak. Lalong nakitaan ito ng kagandaha. Lalong namangha si Rj at ang iba pa. Tumingin si Mary kay Rj at nag iwan ng matamis na ngiti. Umakyat ang kaluluwa nya sa langit at unti-unting naglaho ang liwanag kasabay ang paglaho ng knilang imahe. Dumilim ulit ang paligid. Patuloy parin nagyayakapan ang 6 at nag-iiyakan.
3 linggo ang nakalipas………………………
“Rj,Rj! Basahin mo itong pahayagan…binitay naraw si Oliver ang pumatay kay Mary Chua. Napatunayan nga na sya ang may sala. Sangkot rin sya sa lahat ng hindi mabilang na krimen. Nababagay lang sa kanya yun,”wika ni Jake na pinapakita ang malaking dyaryo sa barkada.
“Tama. Dapat lang. Paniguradong sa impyerno nga ang bagsak nya…happy ending na ang love story nila Ricardo at Mary.”
“Masya ako para sa kanila,”wika ni Rj. Nakangiti habang binabasa ang dyaryo.
“Oo nga pala. Di ba itong linggo lang may gaganaping alumnia home coming? Lahat ng studyante nuong 1984 ay dadalo at magkakasama-sama.”
“Edi Bert,kasama pala ang tatay mo dun?”
“Oo,”sagot lang ni Bert. Malayo ang kanyang tingin,pinagmamasdan nya si Kat….
Dumating ang maraming araw naganap ang alumnia home coming. Lahat ng mga studyante ng 1984 ay dumalo. Lahat ay masaya ng gabing nagkasama-sama ulit sila. 2 dekada silang naghiwalay. Ang mga iba ay hindi mapigilan ang emosion at umiyak. May mga may asawa na at meron parin na nananatling binata. May mga naging doktor,teacher,piloto,marami pa. May mga nanghirap at may yumaman, mga mga nabalittan na patay na.
Dumalo rin ang mga lumang guro tulad nila Mrs. Silva at Mrs.Reyes.
Nandun rin si Mina na nakabihis pang doktor. Natupad narin ang kanyang pinaparangap dati. Nanibago sya,ang mga iba ay hindi na nya makilala hanggang nakita na nya si Amy. Nakaupo sa wheelchair,inaalayan sya ni Delbert,ang lalakeng pinangarap nya na ngayon ay kanya na nyang asawa.
“Uy Amy! Musta na,matagal tayong hindi nagkita!”bati ni Mina. Hindi umimik si Amy. “Uy ang tahimik mo ha. Ano na ba nagyari sa iyo? Dati ikaw lang ang maingay sa ating 3.”
“Matagal nang ganyan si Amy,”wika ni Delbert.
Dito naunawaan ni Mina ang lahat. ang masakit na ala-ala ay ayaw na nyang maalala. Sahalip ay binago nya ang usapan. “Sabi ko na ba Delbert,kayo rin ang magkakatuloyan ni Amy. Nung highskul tayo ang swit-swit nyo.”
Sa kanyang likuran ay may bumati sa kanya.
“Oh Pamela. Ikaw pala musta?”naalala parin ni Mina ang isa rin nyang matagal nang kaibigan. “Kamusta ka na? Uy anak mo ba yan. Ang cute cute.”
“Oo,pang 10 na namin ito ni John,”biglang nalungkot ang mukha ni Pamela. Halata na may tinatago itong problema.
“Ikaw,may asawa ka na ba? Musta na kayo ng nubyo mo dati na si Dereck?”tanong ni Pamela.
“Ay wala na kami. Nag seryuso na kasi ako sa pag aaral nung collage hanggang nakapasa ako sa pagiging doktor. Ngayon ay wala na muna akong love life. Inuuna ko muna ang aking trabaho. Siguro ganito na ako na tatandang dalaga.”biro ni Mina.
“Hindi naman,magkakaasawa ka rin. Ayun si Dereck oh lapitan mo dali.”
Lumingon agad si Mina. Nakita nga niya si Dereck. Pero may babaeng lumapit sa kanya. Siguro asawa nya iyon. Nalungkot si Mina.
Natapus na ang reiunion ng gabing iyon, kinabukasan kahit puyat ay nagawa pang puntahan nila Amy at Mina ang dating nilang kaibigan na hindi na nila makakasama habang sila ay nabubuhay. Nagtungo sila sa puntod ni Mary Chua sa North Cemetery. Hawak nila ang litrato nilang kumpleto pa sila. Dito nalang sa larawang ito makikita ang dati nilang pinagsamahan. Sinariwa nila ang ang mga nakalipas. Dito ulet naiyak ang dalawa. Alam nga nila na hindi sila maghihiwalay…..

2008……………… Manila(pangkasalukuyan)
Teka,ano na ang nangyari sa mga bida natin? Nang nakagraduet ang buong IV-Rizal,kumuha ng cursong jurnalism si Bert. Mahilig kasi sya mag sulat ng kwento. Naging writer sya sa isang sikat na pahayagan. Pangalan ng dyaryo—“SAGAD”ang libog talaga. Natupad ang pinapangarap nya kay Kat. Nagkaruon sila ng 3 anak pero hindi pa sila kasal.

Si Rj ay naging seryuso sa pag aaral. Kumuha sya ng nursing dahil gusto nyang magtrabaho sa ibang basa. Pero hanggang ngayon ay hindi parin natutuloy ang kanyang flight dahil nawawala ang kanyng passport.

Si Jake? Pwes naging teacher sya sa isang pabublikong paaralan dito sa maynila. Teacher sya ng mga makukuli na grade 1. Mababa ang pasensya nya sa mga makukulit na bata kaya sinisigawan rin nya nito ng “Tanga,bobo,inulit,hampas lupa,walang alam,mangmang,inulit,”tulad ng pang asar nya kay Bert dati.

Nagkahiwalay nga 3 magkaibigan. Pero alam nila na hinding hindi sila maghihiwalay sa ala-ala.



“Masayang wakas”





(From the memory of Mary Chua.
1969-1984
“Para sa mga tunay kong kaibigan,alam ko na hinding hindi tayo maghihiwlay)





























































1 komento:

ballpen88 ayon kay ...

pasensya na sa mga wrong spelling